Kung si Gerald, may Rolex para kay Julia… DOMINIC AT PAMILYA, WA' GIFT KAY BEA, NAKIPAMASKO
AT NEW YEAR LANG
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 12, 2022

As usual, ginawan na naman ng isyu ang Rolex watch na iniregalo ni Gerald Anderson sa girlfriend niyang si Julia Barretto.
Kinunan kasi ng inang si Marjorie ang pag-a-unboxing ni Julia ng expensive watch at isinama ito sa kanyang bagong uploaded video.
Hinahanap tuloy ng mga Marites kung ano naman daw ang Christmas gift ni Dominic Roque sa girlfriend nitong si Bea Alonzo. Wala raw kasing naisusulat at naibabalita.
Sapat na raw ba sa aktres ang presensiya ni Dom at ng pamilya nito na regalo sa girlfriend kung saan last Christmas at New Year ay sa Beati Farm nga ni Bea nag-celebrate ang boyfriend kasama ang kanyang pamilya.
Isa pang itinatanong ng mga Marites, may natanggap din daw bang expensive gift si Bea mula sa ex-BF na si Gerald nu'ng sila pang dalawa?
Eh, kung meron man, ang tanong din, ginagamit pa kaya ni Bea matapos ang panggo-ghost sa kanya ni Gerald?





Comments