top of page
Search
  • BULGAR

Kung si Gabby, blocked… SHARON, IN-UNFOLLOW ANG MGA SHARONIANS

ni Nitz Miralles @Bida | July 31, 2023



Hindi pa rin naintindihan ng mga fans ang paliwanag ni Sharon Cuneta kung bakit kailangan niyang i-unfollow ang mga Sharonians na pina-follow niya sa Instagram. Bakit daw Sharonians lang ang ia-unfollow niya? Dapat lahat daw para fair. Bakit daw puro artista na lang ang ipa-follow ng kanilang idolo?


Ang linaw ng post at paliwanag ni Sharon kung bakit kailangan niyang i-unfollow ang mga fans, pero tila ginagawa pa rin itong big deal ng ibang Sharonians.


“Sharonians! Please understand... I will have to unfollow you on this account kasi super PUNO na talaga, kailangan nang bawasan at para fair, kailangan ko na kayo i-unfollow. HINDI NAMAN IBIG SABIHIN NA HINDI KAYO MAHALAGA SA AKIN O ‘DI KO KAYO MAHAL! Pero ‘di ko alam kung marami pang artista ang nagpa-followback ng mga fans nila, kasi baka maipasara pa ang account ko! I LOVE YOU VERY MUCH BUT I HAVE TO DO THIS! You can still comment on my posts and I can still reply to you, so, please don’t feel bad! Thank you so much for understanding!”


Inulit pa ni Sharon na sana ay maintindihan siya at ‘wag magtatampo, pero may ilan pa ring nagtampo at in-unfollow siya. Mas marami nga lang ang naintindihan siya at nagulat pa ang mga ito sa nalamang si Sharon lang yata o isa siya sa mga artista na nagpa-follow sa kanyang mga fans.


Aliw lang ang isang comment na okay lang i-unfollow ni Sharon ang mga Sharonians, basta i-follow back niya uli si Gabby Concepcion. Matatandaang in-unfollow nina Sharon at Gabby ang isa’t isa nang magkaroon sila ng isyu.


May nagtanong pa kung in-unblock na ni Sharon si Gabby dahil magsasama nga sila sa isang reunion concert na matagal nang hinintay ng kanilang mga ShaGab fans.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page