Kung si Daniel, tanggap ng madir niya…

KATHRYN, SUPER-HAPI NA ANAK NA RIN ANG TURING SA KANYA NI KARLA
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 20, 2020

Ang maganda sa relasyong Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kapwa sila malapit sa kanilang biyenan-to-be.
Close si Kathryn kay Momshie Karla Estrada ni Daniel at ang aktor nama'y parang mommy na rin ang turing kay Ms. Min Bernardo.
Kuwento ni Kathryn, wala siyang masasabi sa masaya at magandang samahan ng kanilang mga magulang ni Daniel.
“I think it’s safe to say na okay ‘yung relationship ni Tita Karla, ako kay Tita Karla, si Mama and si DJ, super okay,” sabi ni Kathryn sa digital conference ng kanilang upcoming digi-movie na The House Arrest of Us.
Aniya pa, sa 8 taon na relasyon nila ni Daniel, kasabay ding nabuo ang magandang relasyon ng kani-kanilang mga magulang.
“Happy kami na in real life, maayos ‘yung pamilya namin pareho. Siguro, tumatag na rin sila over the years naming magkasama. Pati mga kapatid niya, parang kapatid ko na rin, sina Maggie and Carmela,” pahayag ng aktres.
At kung tatanungin naman ang relasyon nila ng ina ni Daniel, para kay Kathryn, higit pa sa future mother-in-law ang kanilang relasyon.
“Si Mama and si Tita Karla and kami ni Tita Karla, personally, parang extended family ko na rin sila and I’m happy na ganu'n ‘yung klase ng relation na mayroon kami. Hindi lang kami, pati ‘yung relationship with our families,” pahayag pa ng aktres.
Patunay sa mga sinabi ni Kathryn ang hayagang pasasalamat ni Karla Estrada sa mga pahayag ng GF ni Daniel sa Magandang Buhay.
Sa ngayon, tutok ang KathNiel sa shoot ng The House Arrest of Us na mapapanood sa KTX.ph at iWant TFC simula ngayong October 24.





Comments