- BULGAR
Kung si Barbie, may dyowa na rin… EX-GF NG EX-BF NI PIA, BAGONG GF NI DIEGO
ni Nitz Miralles - @Bida | May 22, 2022

Naki-marites kami sa magandang girl na sinasabing new girl sa buhay ni Diego Loyzaga.
Ex-GF daw ito ni Marlon Stockinger na ex-BF naman ni Pia Wurtzbach. Hindi masasabing walang relasyon sina Diego at Franki (name ng girl) dahil sa mga photos nila together na hindi na makikita sa Instagram ng girl.
Ang makikita na lang sa IG story ni Franki ay ang birthday message niya kay Diego. As for Diego, tila hindi pa siya ready to share Franki sa kanyang mga followers dahil wala pa siyang post tungkol sa kanila.
Pareho nang nakapag-move on si Diego at ex niyang si Barbie Imperial na ang balita, may boyfriend na rin daw.
Ang maganda kina Diego at Barbie, hindi nagsiraan nang maghiwalay, kaya nang muling magkita, friends pa rin sila.