top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kung si Angel, bagong Sharon… KC, NAPAGKAMALANG SI KARLA SA SOBRANG TABA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2022
1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 16, 2022


Nagulantang ang mga netizens sa pasilip na appearance ni KC Concepcion sa short video na ipinost niya sa kanyang Instagram kahapon.


Makikita si KC sa first few seconds ng video niya habang namamasyal sa Dubai. At sa comment section ay mababasa ang reaksiyon ng mga netizens sa hitsura ng eldest daughter ni Megastar Sharon Cuneta.


“Akala ko si Karla Estrada.”


“I thought it was Karla Estrada at first! Beautiful!”


“Same. At first glance I thought it was Karla E. too”


“What happened? Ang tabaaaaaa mo!”


Nagpakita rin ng concern ang ibang fans/followers ni KC sa kanyang IG post.


“Sooo pretty pa naman...ibalik lang 'yung slim mong body, Miss Kace!!!! Take care and keep safe always!!!”


Sa true lang, napakaganda talaga ni KC. Kaya payat o tumaba man siya, lutang pa rin ang ganda niya.


Parang si Angel Locsin, ‘di ba? Kahit masyubis, super pretty pa rin. Kaya nga sabi ng ibang netizens, si Angel nga raw ang bagong Sharon Cuneta.


So, kung si Angel ang bagong Sharon, si KC naman ang bagong Karla, ganern?


Anyway, may naplastikan din na isang fan ni KC sa mga pumupuri sa beauty ni Mega Daughter.


“Mga plastic kayong mga tao... mashubaaaasssss na talaga siya ngayon, period! Gone are the days na sexy pa siya!! Magsabi kayo nang totoo, 'noh! O ano, iba-bash n'yo ako, eh, di wow! Ako ang totoong fan ni KC, I say the truth directly here for her to know.”


“Lol! Truth though.”


May nag-comment din na it’s about time na magkaroon na ng sariling pamilya si KC.


“Ganyan na lang ba tayo sa life, Mihh. Magpamilya ka na.”


Dapat siguro, magkaroon muna ng boyfriend si KC bago mag-pamilya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page