Kung sa mga netizens, durog sa pamba-bash… CARLA, PINAYUHAN SI IYA NA ‘WAG BUMILI, MAG-ADOPT NA LANG NG ASO, DINEDMA
- BULGAR

- 1 hour ago
- 4 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 12, 2026

Photo: Carla Abellana at Iya Villana - IG / FB
Ikinuwento ni Iya Villania ang first heartbreak ng anak nila ni Drew Arellano na si Leon nang hindi nila nabili ang asong nagustuhan nito.
Mapapanood sa Instagram (IG) post ng aktres-anchor ang reel kung saan ay umiiyak ang kanilang anak sa pet shop habang hawak niya ang isang fur baby.
“Leon’s first heartbreak (heartbreak emoji),” bungad ni Iya.
“I always thought I was a pet lover until I met my husband (laugh emoji). The connection he has to dogs is undeniable and as much as he’s been wanting to have a dog in our home, having children was enough to keep his hands full, but now with Kuya Primo about to turn 10 and wanting a dog now too, also with Anya growing so fast, Drew felt it was the right time to finally adopt one,” kuwento niya.
At dahil nga marami pa silang inaasikaso sa kanilang bahay, pumupunta lang sila weekly sa pet shop para bisitahin ang fur baby ng isa nilang anak na si Primo na si Kobe.
Sa pagbisita raw nila sa pet shop ay may mga asong napamahal na raw sa kanila. Si Leon ay na-attach na raw sa isang fur baby na si Annie habang siya naman ay si Tanya ang kanyang nagustuhan.
“But with those visits, both Leon and I found ourselves growing fond of other cuties that were there! I loved getting cuddles from Tanya (the one I’m holding) while Leon got attached to Annie who would always seek his attention when he’d walk away. I know, talk about emotional damage. Makes me sad thinking Tanya won’t be there anymore when we go back,” tsika ni Iya.
Hanggang sa huling pagbisita nila ay may isang customer na nagdesisyong bilhin na si Annie.
“Well, during this particular visit, another client came in to see Annie… and when they asked to see her, Leon started to feel nervous. Eventually, the client decided on Annie and had her reserved which led to this moment,” lahad ni Iya.
At hayun na nga, super cry na si Leon dahil wala na si Annie.
“I didn’t realize how attached he got from the 2 visits he had with Annie until I saw him really getting the feels. I honestly thought he was just being silly and dramatic but I’m reminded that as crazy as this boy is, so is his ability to love. Oh, anak… wait ‘til you fall in love with a human,” Iya wrote.
“It was special seeing how Primo got affected with his brother’s heartbreak too and tried consoling him with a story of how he also didn’t get the dog he first wanted. He’s not fond of letting Leon hug him but in this moment he allowed him to,” kuwento pa ng aktres.
Sa comment section ay mababasa ang payo ni Carla Abellana kay Iya na umani nang katakut-takot na reaksiyon.
“Hey, I hope you guys consider adopting instead of shopping,” ang mensahe ni Carla.
May mga netizens na sinagot ang post ng aktres at sinabing basahing mabuti ang caption ni Iya.
“If you read her caption she specifically said that they’re ready to adopt,” sey ng isang netizen.
Sagot din ng isa pa, hindi na raw kailangang mag-lecture pa ni Carla dahil isine-share lang naman daw ni Iya ang heartbreak ng anak nito.
Anyway, dedma na lang si Iya sa comment ni Carla.
8 buwan daw silang naghiwalay…
BIANCA, UMAMIN KUNG BAKIT NAPATAWAD SI RURU SA PANLOLOKO SA KANYA
NAGSALITA na rin si Bianca Umali sa pag-amin ng boyfriend na si Ruru Madrid na nag-cheat na siya before sa kanilang relasyon.
Matatandaang sa panayam ng aktor sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ay ikinumpisal niyang talagang natukso siya sa ibang babae habang karelasyon niya si Bianca at naging dahilan ito para hiwalayan siya ng aktres.
Eight months daw silang naghiwalay at humingi siya ng tawad kay Bianca. Labis naman niyang ipinagpapasalamat na binigyan siya ulit ng aktres ng 2nd chance at pinatunayan naman niya ang kanyang pagmamahal sa girlfriend dahil hindi na niya inulit ang pagloloko.
Sa panayam kay Bianca ng Showbiz Updates (SU) ni Ogie Diaz ay nahingan siya ng reaksiyon hinggil dito at ayon sa aktres, pinili niyang patawarin si Ruru sa naging pagkakamali nito.
“I think, the best advice to give to everyone is to always choose kindness at the end of the day,” aniya.
“Ano pa man ang pinagdaraanan natin, nasaktan man tayo, nakagawa man ng masama sa atin ang mga tao, kahit sino pa ‘yan, may it be people we love, may it be people we do not know, at the end of the day, let’s all choose kindness and choose to be the better person. Choose to understand the situation the best way that we could,” saad ng aktres.
Payo pa niya sa madlang people, “‘Wag tayong humawak at manatili sa galit, sa sama ng loob.”
In-encourage rin niya ang lahat na magpatawad sa mga nagkakamali sa kanila.
“Wala pong mas tama pa sa pagpapatawad,” sey niya.





Comments