top of page

Kung sa iba, palaban… ATTY. TOPACIO, ATRAS MAKA-SHOWDOWN SI DE LIMA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 31, 2026



Atty. Ferdie Topacio

Photo: File



Isa si Atty. Ferdie Topacio sa mga nangungunang abogado na dumedepensa kapag may seryosong isyu sa lipunan. 


Naging tagapagtanggol din siya ng ilang controversial personalities na may mga kaso.


Kamakailan ay dumalo si Atty. Topacio sa Pandesal Forum ng PDP-Laban (Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan) na ginanap sa Kamuning Bakery. 

Nakasama niya ang ilang abogado ng PDP na sina Raul Lambino, Jimmy Bondoc, Jing Paras at Manuelito Luna.


Dito ay tinalakay ang tungkol sa impeachment trial ni Sara Duterte. Naalala rin ang naging isyu noon sa pagitan nina Atty. Topacio at Leila de Lima.


ang tanungin kung game ba siyang makipag-showdown at one-on-one debate kay De Lima, sey ng abogado, umatras siya at ayaw niyang makaengkuwentro ito.





‘Wag na raw umasang pakakasalan…

BARBIE, NALOSYANG KAY RICHARD



Maraming fans ni Barbie Imperial ang nagsasabing medyo nag-mature ang kanyang hitsura simula nang makarelasyon si Richard Gutierrez. Nalosyang daw agad ang aktres dahil nag-adjust sa aktor.


May ilan ding nag-warning kay Barbie na huwag gaanong umasa na mapapakasalan siya ng aktor dahil hindi pa annulled ang kasal nito kay Sarah Lahbati. 


May ilang netizens naman ang nagpayo na humanap na lang si Barbie ng rich at binatang manliligaw. Tiyak naman na marami ang magkakagusto sa kanya.


Gayunman, ayon sa malalapit na kaibigan, matalino si Barbie. Hindi lang puso ang pinaiiral nito pagdating sa pag-ibig. Aware siyang may mga anak ang aktor kaya alam din niya kung saan siya lulugar. 


Hindi papayag si Barbie Imperial na madehado siya sa relasyon nila ni Richard Gutierrez.

Masaya sila ngayon na magkasama sa seryeng Blood vs. Duty.





FIVE years nang kasal sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Sabik na ang kanilang mga fans na makita ang kanilang little angel at mini-version ni Sarah G.


Pero wala pa sa plano nina Sarah at Matteo ang pagkakaroon ng pamilya. Sey ni Matteo, hinahayaan muna niya ang misis na mag-enjoy sa kanyang buhay ngayon.


Matagal na nasabak sa trabaho noon si Sarah kaya hindi nito na-enjoy ang maraming bagay na gusto niyang gawin. Ni hindi nga nakapagbakasyon abroad si Sarah dahil puro trabaho at shows ang kanyang inasikaso. Hindi niya na-enjoy ang pagiging single. 


Kaya ngayon ay malayang-malaya na siya at marami nang oras para sa kanyang sarili. 


Wish ng mga fans at supporters ni Sarah Geronimo na mag-concert na ulit siya dahil miss na miss na nilang makita siyang nagpe-perform sa stage. Ibang-iba kasi kung humataw at kumanta ang misis ni Matteo Guidicelli, todo-bigay!





AWARE ang Kapuso actor na si Michael Sager sa iniisyu sa kanya na may attitude na siya at lumaki na ang ulo. Kahit na idinaan lang iyon sa blind item, marami ang nagsasabing siya ang pinatatamaan.


Naniniwala si Michael na lalabas din ang totoo. Ang mga taong kabisado ang kanyang ugali ang makakapagpatunay nito. Alam niyang wala siyang tinatapakan o inaagrabyadong sinuman sa mga nakakatrabaho niya.


Alam din niyang may mga hindi masaya sa narating ng kanyang career ngayon. Mabuti na lang at may mga nakakausap siyang senior stars na nagpayo sa kanya na huwag magpaapekto sa paninira. Isa na rito ang veteran actress na si Coney Reyes.


Maging si Piolo Pascual ay pinayuhan din siya na huwag pansinin ang mga bashers. Pagbutihin lang daw niya ang kanyang pag-arte at maging professional sa trabaho.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page