Kung puro lamyerda si Roque, mag-resign as presidential spox man at mag-apply na lang sa DOT!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 06, 2020
IMBES NA MAKYUTAN, BATIKOS ANG INABOT NI ROQUE SA PUBLIKO SA PAMAMASYAL NIYA SA MGA TOURIST SPOTS—Mali ang akala ni Presidential spokesman Harry Roque na matutuwa sa kanya ang taumbayan sa madalas na pagse-selfie niya sa iba’t ibang tourist spot sa bansa na kanyang pino-post sa social media kasi imbes na makyutan sa kanya, batikos ang inabot niya dahil pera raw ng bayan ang kanyang ginagastos sa paglalamyerda at hindi sakop ng kanyang trabaho bilang tagapagsalita ng Pangulo.
Ang palusot ni Roque ay pino-promote lang daw niya ang mga tourist spot sa bansa.
Kung ganyan ang katuwiran ni Roque, mag-resign na siya bilang spokesman at mag-apply sa DOT bilang tour guide, boom!
◘◘◘
LAKAS NI GOV. GWEN SA DUTERTE GOV’T. KASI IMBES NA SWAK, ABSUWELTO SIYA SA KASONG GRAFT—Inabsuwelto kamakalawa ng Sandiganbayan sa kasong graft si Cebu Gov. Gwen Garcia kaugnay sa pagbili ng provincial gov’t. noong 2008 ng Balili Estate na tatayuan sana ng infrastructure projects, na natuklasan na ang malaking bahagi nang biniling lupa sa halagang P98.9 million ay sakop na pala ng dagat.
Lakas naman ni Garcia sa Duterte gov’t. kasi dapat swak na siya sa kasong ito, eh naabsuwelto pa, buwisit!
◘◘◘
PEACE TALKS, DAPAT SUPORTAHAN PARA MATIGIL NA ANG DIGMAAN NG PINOY KONTRA PINOY—Tutol ang AFP (Armed Forces of the Philippines) na buksan ulit ang peace talks sa pagitan ng CPP (Communist Party of the Philippines) at pamahalaan.
Imbes na suportahan ang peace talks para matapos na ang gulo, eh, tinutulan pa, at dahil sa pagtutol na ‘yan, asahan nang lalo pang magtatagal ang digmaan ng Pilipino sa kapwa Pilipino, tsk-tsk-tsk!





Comments