top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Kung noon, medyo ilag dahil kay Jak… DAVID, UMAMING NAGKE-CARE KAY BARBIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 5, 2025
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Apr. 5, 2025



  • David Licauco at Barbie Forteza

Photo: David Licauco at Barbie Forteza - IG


Ayon kay David Licauco, he deeply cares for Barbie Forteza after na mag-split ang kanyang ka-love team at ang longtime boyfriend nitong si Jak Roberto.  


Sa panayam ni Nelson Canlas kay David, inamin niyang sobra siyang nag-aalala sa Kapuso actress, pero inirerespeto raw niya ito dahil hanggang ngayon ay nasa healing process pa rin ang aktres.  


Wala siyang kinumpirma kung may romantic feelings ba siya sa pagiging sobrang close nila ngayon or bond as love team-partners lang talaga sila.  


Inamin din niyang nu’ng sina Barbie at Jak pa ay uncomfortable umano siya at sinisiguro niyang name-maintain ang boundaries nilang dalawa.  


Ngayon daw ay at ease na siya sa kanilang interactions, though he remains focused on their professional and personal connection.  


Aniya, “I care for her a lot. We have to think na, of course, Barbie just got off from a relationship and we should respect that. Kailangan niyang mag-heal.”  


Mga judges at hosts, sobrang napabilib…

LGBT GROUP SA PGT, BINIGYAN NG GOLDEN BUZZER


Binigyan nina Melai Cantiveros at Robi Domingo ng golden buzzer ang 31-member dance group na Femme MNL na contestant sa Pilipinas Got Talent (PGT) Season 7 noong Sunday episode.  


Ang grupo ay all-gay at na-impressed ang mga hosts na sina Melai at Robi sa kanilang performance, kaya binigyan nila ang mga ito ng golden buzzer at didiretso na ang Femme MNL sa live semi-finals.  


Maging ang mga judges na sina Freddie “FMG” M. Garcia, Donny Pangilinan, Eugene Domingo, at Kathryn Bernardo ay sobrang napahanga sa grupo.  


May kani-kanyang obserbasyon ang mga hurado.  

Ani FMG, world-class ang performance ng grupo.  

Ayon naman kina Donny at Kathryn, artistry at passion ang kanilang ginawa, samantalang napapalakpak si Eugene nang itaas ng Femme MNL ang flag para sa LGBT community.



MULING tatakbo sa Senado ang dating senador na si Pia Cayetano. Katunayan, ineendorso na siya ni Cebu Governor Gwen Garcia.  


Iisa ang layunin ng dalawang personalidad, ang pagpapalakas ng kababaihan, de-kalidad na edukasyon, at abot-kayang serbisyong pangkalusugan.  


Ayon kay Pia, malapit din daw ang puso niya sa entertainment industry dahil sa namayapa nilang ama (Senator Rene Cayetano, RIP) na isa ring senador noon pero niyakap ang mundo ng TV industry lalo pa’t nagkaroon noon ng sariling programa ang ama sa radyo, ang Compañero y Compañera (CYC).  


Sa ngayon ay isa na ring TV host si Pia sa Cayetano in Action (CIA) with Boy Abunda. Magkasama silang magkapatid sa programa.  


Katunayan, nanalong Best Public Affairs Program ang kanilang show sa nakaraang 38th Star Awards for TV.  


Ayon nga kay Kuya Boy, malaki ang naiambag ng magkapatid na Pia at Alan Peter sa kanilang programa, lalo na raw si Pia na nahahasa na sa hosting.  


Wika nga ni Pia, if given a chance, gusto rin daw niyang i-try na pasukin ang entertainment hosting dahil marami rin daw mga legal issues ang nasa industriya. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page