top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kung noon, 'di mapaghiwalay… DEREK, KAYA NANG IWAN SI ELLEN

BULGAR
May 25, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 25, 2022



Matunog ang bali-balitang magbabalik-trabaho na ang hunk actor na si Derek Ramsay. Isang reality show at hindi serye ang ibibigay sa kanya ng GMA Network.


Bagay naman sa kanya ang reality show dahil physically fit si Derek at kaya rin namang sumabak sa kahit anong klaseng show.


Dahil kay Ellen Adarna ay hindi muna tumanggap ng serye si Derek. Ayaw kasi niyang malayo sa kanyang wifey.


Karamihan kasi sa mga serye ng GMA-7 ay locked-in ang taping at hindi nakakauwi ang mga artista. Minsan ay inaabot ng isa hanggang dalawang buwan bago ma-pack-up ang buong cast.


At dahil wala pang isang taong kasal sina Derek at Ellen, halos ayaw nilang maghiwalay.

Pero kapag reality show ay hindi gaanong nagtatagal, kaya ito ang tinanggap ni Derek.

Ikinatutuwa ng mga fans ang pagbabalik sa telebisyon ni Derek Ramsay. Matagal din silang naghintay at nanabik na muling mapanood si Derek sa telebisyon. Kaya nakikiusap ang mga fans na sana, huwag nang talikuran ng aktor ang kanyang showbiz career.


Kahit na may mga negosyo na si Derek at can afford kahit hindi na magtrabaho, iba pa rin kung patuloy siyang napapanood sa telebisyon. Tataas ang kanyang premium bilang product endorser.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page