top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kung mag-interview, palaban… BOY, KABADO SA GAME SHOW NI DINGDONG

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 16, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 16, 2023




Parang bitin daw kung 20 minutes lang mapapanood sa GMA Network ang programang Fasttalk with Boy Abunda. Kahit pa araw-araw ito, still, hindi magkakasya ang mga hot showbiz news kung 20 minutes lang ang allotted sa show. Paano kung may pumasok pang commercials?


Anyway, may sariling diskarte naman siguro si Boy kung ano ang gagawin niya kapag sumalang na sa kanyang show.


Magiging busy din siya sa pagpo-promote ng kanyang show dahil magge-guest siya sa ilang serye ng GMA-7. At lahat ng suporta ay ibibigay sa kanya ng mga big bosses ng Kapuso Network para sa kanyang programa.


Ngayon pa lang ay inaabangan na ng mga followers ni Boy kung sinu-sinong celebrities ang kanyang unang ige-guest. Nabanggit niya kasi dati sa isang interview na isa sa mga gusto niyang maka-one-on-one ay ang Kapuso actress na si Heart Evangelista, ganoon din sina Marian Rivera, Bea Alonzo at Alden Richards.


May ilang netizens ang nagre-request na i-guest niya si Gretchen Barretto na isa sa mga dati niyang mina-manage. Marami ang interesadong malaman kung ano na ang pinagkakaabalahan ngayon ni La Greta. Naging aktibo noong pandemic si Gretchen at nagbigay ng ayuda sa mga taga-showbiz na nawalan ng hanapbuhay. Pati nga mga reporters at maliliit na manggagawa sa showbiz ay kanyang tinulungan.


Hinihintay din ng lahat ang pagge-guest ni Boy sa top-rated game show na Family Feud.


Aminado si Abunda na tiyak na nenerbiyusin siya sa pagsagot sa mga tanong ni Dingdong Dantes.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page