top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kung kakandidato si Sec. Duque, baka i-zero vote siya ng health workers

BULGAR
Jul 18, 2021
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 18, 2021


FAKE NEWS ANG IBINIDA NI P-DUTERTE NA NALUTAS NA NG KANYANG ADMINISTRASYON ANG TRAPIK SA EDSA—Pinag-iisipan na raw ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ibalik ang color coding dahil sa tumitinding trapik sa Metro Manila.


Patunay ‘yan na fake news ang ibinida ni P-Duterte na nalutas na ng kanyang administrasyon ang buhul-buhol na daloy ng trapiko sa EDSA, period!


◘◘◘


KUNG KAKANDIDATO SI SEC. DUQUE, BAKA I-ZERO VOTE SIYA NG MGA HEALTH WORKERS—Umuusok sa galit na pinagbabato ng kamatis ng mga health workers ang tanggapan ng Department of Health (DOH) dahil sa pagkabigo ng ahensiya na ibigay ang mga pangakong benepisyo sa kanila ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.


Kaya kung may plano si DOH Sec. Francisco Duque III na kumandidatong senador ay huwag na niyang ituloy kasi malamang, pagkatalo ang aabutin niya dahil hindi lang i-zero vote siya ng mga health workers, kundi baka mangampanya pa ang mga ito na huwag siyang iboto, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page