top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kung kailan Undas saka isinarado ang mga sementeryo

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 31, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | October 31, 2021



SARADO na ang mga sementeryo.


'Yung mga patay na lang daw ang dadalaw sa mga buhay!


◘◘◘

NORMAL na ang buhay.


Taga-gobyerno na lang ang abnormal!


◘◘◘


NASA mga lalawigan pa rin ang mga tao na dating nasa Metro Manila.


Hikahos pa rin ang buhay!


◘◘◘


USUNG-USO ang mga scam.


Mag-ingat sa mga raketista!


◘◘◘


HINDI na makokontrol ang basurang impormasyon sa Facebook.


Kailangan dito ay estilong “dolomite” sa Manila Bay.


Punuin dapat ng positibong impormasyon ang social media, kaysa sa mga “katarantaduhan” lang!

◘◘◘


WALANG kakayahan ang gobyerno na makasabay sa teknonolohiya. Lipas nang matatanda ang itinatalaga sa gobyerno, imbes na ng sariwang kabataan!


◘◘◘


DAPAT ipaubaya sa kabataan ang operasyon ng gobyerno.


Ipagbawal ang pagtatalaga sa mga laos at retiradong heneral!


◘◘◘


IPINANREREGALO at hinayaang magnakaw sa gobyerno ang mga retiradong heneral.

'Yan ay korupsiyong walang solusyon!

◘◘◘


ANG diversion of fund ay talamak sa AFP at iba pang ahensiya ng gobyerno.


Tinitipid o hindi ginagastos ang pondo, pero inilalaan ito sa pagnanakaw gamit ang modus-operandi ng illegal purchase, at ghost project!


◘◘◘


WALANG ideolohiya ang mga pulitiko.


May narinig ba kayo sa mga presidentiable kung ano ang ideolohiya?


◘◘◘


DAHIL walang ideolohiya, walang solusyon sa problema ng bansa.


Ang tanging sa solusyon sa krisis at ang pagkakaroon ng ideolohiya.


Hangga’t walang ideolohiya, walang patutunguhan ang alinmang bansa—kasama ang Pilipinas!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page