top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kung gustong makaresbak ng Malacañang kay Yorme, sa illegal gambling nila tirahin, ‘wag sa droga

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 7, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 07, 2021



PALPAK ANG DILG SHOW CAUSE ORDER VS. YORME—Hindi man aminin, tiyak na hindi nagustuhan ng Malacañang ang banat ni Mayor Isko na tumutukoy kay P-Duterte na palpak, pabaya at puro ngawa at para ‘ika nga makaganti, pinadalhan ng show cause order ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Yorme at binigyan ng 10-days para magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat masampahan ng kasong administratibo tungkol sa pagpapabaya ng alkalde sa “war on drugs” ng Duterte gov’t. sa Maynila noong 2018.


Kaya lang, sablay ang show cause order ng DILG laban kay Mayor Isko kasi May 2019 lang nanalong alkaldeng si Yorme at si Erap pa ang mayor ng Maynila noong 2018.


‘Ika nga, wow mali at palpak ang show cause order ng DILG laban kay Yorme, ha-ha-ha!


◘◘◘


SAAN NAPUPUNTA ANG INTEL FUNDS NG GOBYERNO PARA SA SIMPLENG ISYU KUNG KAILAN NAGING MAYOR SI YORME, HINDI NILA ALAM—Dahil palpak ang show cause order ng DILG laban kay Yorme ay kinuwestiyon ngayon ng netizens kung saan napupunta ang bilyun-bilyong pisong intelligence fund ng pamahalaan.


Sa intel fund kasi kinukuha ang budget sa paniniktik at pagkuha ng mga datos sa taong target hulihin at kasuhan ng mga law enforcement agency, kaya’t ang daming nagtaka kung bakit sa kabila na bilyun-bilyong piso ang intelligence fund ng gobyerno ay hindi nila nalaman kung kailan naging mayor si Yorme, boom!


◘◘◘


KUNG NAIS NG MALACAÑANG MAKARESBAK KAY YORME, SA ILLEGAL GAMBLING NILA ITO TUMBUKIN, HUWAG SA ILEGAL NA DROGA—Kung nais ng Duterte gov’t. na makaresbak kay Yorme ay sa illegal gambling nila tumbukin si Mayor Isko at huwag na sa droga kasi nga na-wow mali na ang DILG.


Putok kasi ang balita sa Maynila, na kahit may lockdown ay tuloy pa rin daw ang raket na bookies sa Maynila ni “Boy Abang”, ang gambling lord na nagpapakilalang “ninong” ni Yorme, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page