top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kung ‘di nadedma ang intel report ni Ex-Col. Acierto, wa’ sanang PS-DBM-Pharmally Scam

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 10, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 10, 2021



MAY PUNTO SI EX-COL. ACIERTO NA KUNG INAKSIYUNAN LANG ANG INTEL REPORT NIYA LABAN KINA MICHAEL YANG AT ALLAN LIM, WALA SANANG NAGANAP NA PS-DBM-PHARMALLY SCAM—Muling lumantad si dating anti-drug officer, P/Col. Eduardo Acierto, na ayon sa kanya ay kung binigyang-halaga lang ng Malacañang, ng Senado, PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) at PNP (Philippine National Police) ang ibinigay niyang intelligence report na Chinese drug lords sina Yang Hong Ming, aka Michael Yang at Lin Wei Xiong, aka Allan Lim ay hindi dapat nangyari na nakapang-scam ng bilyun-bilyong pera ng bayan ang Pharmally Pharmaceutical na may konek sa dalawang nabanggit na Chinese nationals.


May punto si Col. Acierto sa kanyang sinabi kasi kung inaksiyunan lang agad noon ang kanyang intelligence report — hinuli, kinasuhan at ikinulong sina Michael Yang at Allan Lim, hindi sana ay nakakuha ng kontratang higit P11 bilyon sa PS-DBM (Procurement Service-Dept. of Budget and Management) ang Pharmally Pharmaceutical na pag-aari ng mga wanted sa Taiwan sa kasong fraud, boom!

◘◘◘


DALAWANG CHINESE NATIONALS NA ISINANGKOT NI EX-COL. ACIERTO SA ILEGAL NA DROGA, LABAS-PASOK SA MALACAÑANG AT SIYA ANG GINAWANG WANTED—Sabi ni ex-Col. Acierto, imbes na aksiyunan ang kanyang intel report laban kina Michael Yang at Allan Lim ay siya at ang kanyang mga kasama sa Police Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) pa ang isinangkot sa ilegal na droga ng Malacañang, ginawan pa sila ng drug matrix, isinangkot din sa pagbebenta ng baril sa NPA (New People’s Army), pinasampahan ng kaso at ipinahuhuli, “dead or alive” dahilan para siya ay magtago.


Kung pakasusuriin ang mga ibinulgar ni ex-Col. Acierto, masaklap talaga ang nangyari sa kanya kasi ang dalawang Chinese nationals na isinangkot niya sa ilegal na droga ay labas-pasok sa Malacañang tapos siya ginawang wanted, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


SOBRANG BAD NINA MICHAEL YANG AT ALLAN LIM KASI MAY POGO NANG HINDI NAGBABAYAD NG TAMANG TAX, IN-SCAM PA ANG KABAN NG BAYAN—Kung may katotohanan ang mga ibinulgar ni ex-Col. Acierto na sangkot sa ilegal na droga sina Michael Yang at Allan Lim ay sobrang bad pala talaga ng pagkatao ng dalawang Chinese nationals na ‘to.


Mantakin ninyo, sangkot na sila sa ilegal na droga, sila pa ang nagpakalat ng mga pasugalang POGO (Philippine Offshore Gaming Operators), hindi pa nagbabayad ng tamang tax sa pamahalaan, tapos pati pera ng bayan na laan sa response sa COVID-19 pandemic ay pinakialaman, in-scam, buwisit!


◘◘◘


P-DUTERTE, “MABUTING KAIBIGAN, MASAMANG KAAWAY”—Ang madalas na pagtatanggol ni P-Duterte sa kaibigan niyang si Michael Yang ay parang ipinakikita niya sa mga Chinese national na siya ay “mabuting kaibigan, masamang kaaway.”


Mabuti siyang kaibigan kay Michael Yang at masama siyang kaaway sa mga “umaaway” sa mga ito kasi nang isangkot si Michael ni ex-Col, Acierto sa ilegal na droga, ang dating police officer ang ginawang wanted ng gobyerno, at nang imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang Tsekwang ito sa pagkakasangkot sa pang-i-scam sa kaban ng bayan, sinasabihan ni P-Duterte na mga kurakot ang mga senador na nag-iimbestiga sa kanyang friend, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page