Kung dati, todo-lihim kahit sa mga BFF… BEA, KAY DOMINIC LANG PROUD NA PROUD SA LAHAT NG NAGING BF
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 16, 2022

Isa pala sa ugali ni Bea Alonzo na hindi alam ng publiko ay ang pagiging secretive niya pagdating sa kanyang love life.
Maging sa kanyang malalapit na kaibigan ay hindi niya basta isine-share ang tungkol sa kanyang love life kahit na may pinagdaraanan siyang problema.
Kaya konting-konti lang ang nakakaalam sa detalye ng kanyang mga naunang karelasyon. Hindi siya open when it comes to matters of the heart.
Pero naiiba ang kanilang love story ni Dominic Roque dahil marami agad ang nakaalam dahil sa kanyang post sa social media. At ikinatuwa ito ng mga tagahanga ni Bea. Ibang-iba na raw ang aktres ngayon, ayon na rin mismo sa kanyang ina.
Nagkaroon na ng self-confidence si Bea. Hindi na siya naiilang at naninimbang sa mga artistang hindi niya gaanong kakilala. Palagay na ang kanyang loob kahit sinong Kapuso stars ang kasama niya sa kanyang project sa GMA Network.
At masaya siyang kasama sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang Start Up katambal si Alden Richards. Makakasama rin nila rito sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales.





Comments