Kung dati, todo-alalay kay Kathryn… DANIEL AT KAILA, WALANG HOLDING HANDS HABANG PALIPAD PA-HK

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | November 5, 2026

Photo: FB Chantal
Nakita namin ang Facebook (FB) post ng vlogger na si Chantal kahapon nang madaling-araw na magkakasama ang original cast ng Incognito na sina Daniel Padilla, Kaila Estrada, Anthony Jennings, Maris Racal at Ian Veneracion.
Ang grupo ay sakay ng Cathay Pacific patungong Hong Kong (HK) kung saan doon ang shooting ng Incognito 2.
Nagtanong kami sa taga-production kung bakit lima lang ang lumipad at nasaan na ang bagong cast tulad nina Carlo Aquino, Jane Oineza, Maja Salvador, at may nabasa kaming ka-join din si Xyriel Manabat.
“Sila (original cast) lang 'yung lumipad now,” kaswal na sagot sa amin.
Hindi naman kami sinagot kung susunod sa HK ang mga bagong pasok sa serye.
Sa post ni Chantal ay may mga nabasa kaming komento na sana ay makabalik daw sina Baron Geisler at Richard Gutierrez para kumpleto ang samahan.
Sa ganang amin, kung ibabalik ang dalawa, eh, bakit nagpasok ng bagong mukha sa Incognito 2? Kaya feeling namin ay hindi na dahil ano ang kuwento nila para ibalik sila?
Anyway, gusto namin ang galawan nina DJ at Kaila. Walang holding hands, normal ang kilos na hindi ‘yung todo-alalay ang aktor sa aktres, hindi tulad noong bata-bata pa si Daniel na konting galaw lang ng dating karelasyon ay nakasalo na agad.
Parehong naka-baseball cap sina DJ at Kaila. Naka-jacket at black jeans ang una, at naka-oversized green suit and jeans with sneakers naman ang huli.
May mga supporters ang dalawa na tumawag sa kanila at bumati sila sa lahat. Lagi namang ganoon sina DJ at Kaila, accommodating sa mga fans nila.
Kahit magkasamang lumipad pa-HK…
MARIS AT ANTHONY, DEDMAHAN MULA NANG MAGHIWALAY
Sunod namang dumating sina Ian, Maris at Anthony na bineso sina DJ at Kaila.
Dedmahan naman sina Maris at Anthony, kaya confirmed na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uusap pagkatapos ng hiwalayan nila.
Kaya sa mga kababayang Pinoy na nasa Hong Kong, for sure, maraming nag-aabang na sa kanila.
KAHAPON nang tanghali ay nag-shoot naman ng Station ID ang It’s Showtime family sa bakuran ng GMA-7 kasama ang mga senior citizens.
Share Your Blessings ang tema ngayon ng Station ID.
Walang nabanggit sa post ni Chantal kung sinu-sino ang mga kasama nila, pero marami raw at hindi naman mga kilalang personalidad.
MAY sariling acting coach si River Joseph at sa bahay nila sa Makati City pinapupunta kapag wala siyang ganap.
Nalaman namin ito nang mapagkuwentuhan siya ng ilang direktor na may kinausap siya para i-workshop siya.
“‘Pag walang lakad ‘yan (River), nagpapapunta ‘yan ng acting coach sa bahay n’ya sa (exclusive village).
“Sabi ni (acting coach), walang bubog sa katawan si River kasi nga anak-mayaman kaya walang paghuhugutan. Ang maganda sa batang ‘yun, willing talaga s’yang matuto. Kahit ano’ng ipagawa sa kanyang eksena, gagawin n’ya, kahit pa taong grasa, okey sa kanya.
“‘Pag ganyan ang attitude ng artista na willing to learn at handang gawin lahat, aasenso ‘yan. ‘Di ‘yan matatawag na ham actor (hindi natural umarte) pagdating nang araw. Siguro, nu’ng bago s’ya, may ganu’ng tawag sa kanya. Wait natin kung ano ang bago sa next project n’ya,” kuwento ng direktor na nakatrabaho ng aktor.
Kaya pala hindi pinakawalan ng JRB Creatives si River dahil pagkatapos ng Blood Vs. Duty (BVD) ay isinama siya ulit sa next project na Dead Girl Walking series na mapapanood sa TikTok, Facebook (FB), at YouTube (YT) pages ng iWant at ABS-CBN Entertainment simula sa Biyernes, Nobyembre 6.
Kasama ni River si Kolette Madelo bilang ka-love team at support naman sina Allyson McBride, Reich Alim, Hannah Vito, Desiree del Valle, at Nikki Valdez, sa direksiyon ni Emerald Silvestre.





Comments