top of page
SPECIAL ARTICLE - JOSHUA, BINURA ANG MGA POST NA MAKA-VP SARA, IN-UNFOLLOW DIN SA IG PATI

Kung dati, magkakosa… BONG AT JINGGOY, PAREHONG NASA QC JAIL PERO ‘DI NAGKIKITA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 21, 2026



Bong Revilla at Jinggoy Estrada BJMP prisoner

Photo: Files



Halos araw-araw palang dumadalaw si Niño Muhlach kay Sen. Bong Revilla, Jr. sa Quezon City Jail (QCJ) sa Payatas. Ito ang paraan ni Onin ng pagbibigay ng moral support sa kaibigang aktor-politician.


Naging close si Niño kay Bong nang magkasama sila sa pelikula at TV show.

Isa sa masasabing tapat na kaibigan si Niño dahil dinamayan niya ang dating senador sa panahon ng matinding pagsubok sa kanyang buhay.


Samantala, hindi raw magkasama sa isang selda sina Sen. Bong at Sen. Jinggoy. Nasa hiwalay na floor daw ang isa kaya wala silang pagkakataong magkita at magkausap ng BFF. Hindi katulad noong nasa Camp Crame sila na magkatabi lang ang kanilang detention cell.


Marami rin ang dumadalaw noon kina Bong at Sen. Jinggoy, at may pa-misa pa sila tuwing araw ng Linggo.


Wish ng mga kaibigan ni Bong na mabigyan siya ng chance na maipagtanggol ang kanyang sarili.


Samantala, si Jinggoy ay ilang buwan nang suspendido bilang senador at handa niyang harapin ang mga akusasyon sa kanya.





‘Di na raw maghihiwalay…

DINGDONG AT MARIAN, PAREHO NANG BILYONARYO



TEKA NGA - DINGDONG AT MARIAN, PREHO NANG BILYONARYO-IG _dongdantes


Dahil sa nagkatotoong hula ng tarot card reader na si Niki Vizcarra kay Bea Alonzo, maraming celebrities ang nagkainteres na hanapin siya upang ipabasa ang kanilang love life at career.


Limang taon na ang nakararaan nang gawin ni Niki ang pagbasa sa kapalaran ng aktres. Kasama niya noon ang kaibigang si Cacai Bautista.


Tinanong ng aktres sa tarot card reader kung ikakasal pa ba siya.


Naalala lang bigla ngayon ang hulang ito nang biglaang magpakasal sina Bea at Vincent Co.


Sinabi rin ni Niki na medyo mature (may-edad na) ang lalaking pakakasalan ni Bea, at nagkatotoo nga ito.


Samantala, ang “Royal Couple” na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay binasahan naman ni Jovi Vargas sa tarot cards. At positibo ang nakikita niya sa mag-asawa. Matibay daw ang pagsasama ng mga ito at hindi na sila maghihiwalay. Magpapatuloy din ang pagdating ng magagandang blessings sa kanilang career. 


Matatag ang kanilang kabuhayan. Parehong financially secure sina Marian at Dingdong. In fact, nasa Top 10 sila sa listahan ng mga celebrity billionaires.

Si Dingdong Dantes ay may estimated net worth na P1.6 billion, samantalang si Marian ay may estimated assets na P1.5 billion.





PAHINGA muna si Yul Servo sa pulitika dahil hindi siya pinalad noong nakaraang eleksiyon. Pero may pinagkakaabalahan siya ngayon na nagbibigay sa kanya ng malaking kita. 


Isa siyang metal visual artist at nakapagpinta na ng marami niyang obra. Kasama rin siya sa mga mag-e-exhibit sa 29th Graphic Expo 2026.


Nagpapasalamat din si Yul kay Piolo Pascual dahil kinuha siya ng aktor upang pintahan ang isang blank space sa kanyang bahay sa Batangas.


Matagal na silang magkaibigan. At sa huli nilang pagkikita noong kaarawan ni Joel Torre, doon siya sinabihan ng aktor na pintahan ang isang bahagi ng kanyang bahay.

At dahil kilala ni Yul ang mga hilig na obra ni Piolo, alam na niya kung ano’ng tema ang babagay sa gagawin niyang painting.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page