Kung dati, kay Kris todo-dikit… SEN. IMEE, BAGONG BFF NG MGA ARTISTA
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 22, 2022

Nakita namin ang mga posted photos and videos ng isang friend namin na dumalo sa post-birthday celebration ni Sen. Imee Marcos last Sunday na ginanap daw sa bahay ng mga Marcos sa San Juan.
Bongga, hindi lang mga kapwa pulitiko-businessmen ni Sen. Imee ang dumagsa at naki-celebrate sa kanya kundi maging ilang celebrities, lalo na ang cast ng Maid in Malacañang sa pangunguna nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, Giselle Sanchez at Beverly Salviejo.
Of course, 'di nawala ang favorite director ni Sen. Imee na si Direk Darryl Yap, na for sure ay muli na namang gagawa ng kontrobersiya sa sequel ng MiM na ang title ay Martyr or Murderer.
Present din sa birthday party ni Sen. Imee ang kanyang mudrakels na si former First Lady Imelda Marcos, pero wala kaming nakitang picture ni PBBM sa party, maging ng First Family.
Habang pinasasalamatan ni Sen. Imee ang kanyang mga celebrity guests, parang nakita namin ang senaryo nu'ng si Kris Aquino pa ang bida-bida sa mga showbiz events at favorite dikitan ng mga artista.
Oh, 'di ba, ang dami-daming showbiz friends noon ni Kristeta? But now, mukhang mabibilang na lang sa daliri ang mga nangungumusta sa kanya.
At dahil si P-BBM ang nakaupo ngayon at active na naman si Sen. Imee sa pagpo-produce ng mga pelikula, no wonder na siya ang bagong BFF ngayon ng mga celebrities.
Why not, coconut?!





Comments