Kung dati, 'di pinapansin ng madlang pipol…DOMINIC, TODO-ENJOY NA SUMIKAT DAHIL KAY BEA

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 12, 2021

Tanong ng isang netizen kay Dominic Roque, “Sino'ng ka-date mo Papa Doms? Si Bea? (Heart emoji)”
Ang sagot ng actor, sushi face emoji at a bundle of chocolates.
“Nadulas Papa Doms HAHAHA… love u both,” sey ng faney.
“Kyot….,” ayon naman sa beadom_fanpage.
Ang ibang netizens, ‘di yata keri ang relasyong namamagitan kina Bea at Dominic.
Anila, “Umay sa totoo lang and too much posts. Mukhang enjoy na enjoy naman 'tong guy sa pa-fame. BA deserves more.”
“True! This guy rubs me off the wrong way. He's just so into himself and enjoying all the attention.”
“Ok naman sana bec they are both single. Pero dunno why off din ang dating ni guy for me for B. 'Di ko alam kung bothered ako dahil sa halos makipagsabayan siya sa dami ng selfies ni B.”
“The guy is definitely enjoying every bit of his 15-minute fame courtesy of Bea. Hindi naman kasi siya pag-uusapan if he’s not being linked to Bea.”
“Ayaw ding paawat sa "noise barrage" itong guy. Guy version ni Janine. Lol.”
“At first I wasn’t, but now I do believe that he is using her to be in the spotlight.”
“For the first time in his life, laman siya ng mga pahayagan kaya talagang obvious ang galawan. Clout chaser talaga si guy. Bahala ka, Bea, ginusto mo 'yan.”
“Eh, sino raw ba naman ang hindi makakapigil kung ang girlfriend ay ang magandang actress.”
“Kung napasagot ko si Bea, hindi ko rin mapipigilan. Accomplished woman na 'yan.”
“Agree!”
“I am happy for them. Natural lang magka-develop-an 'yan kasi laging magkasama. Sa mga nagsasabing 'di sila bagay kasi 'di sila magka-level sa showbiz or 'di kasingyaman ni Dom si Bea, ganu'n na ba kababaw tingin n'yo sa pag-ibig? 'Di naman sila mga kriminal at wala silang nilalabag na batas. 'Yung mga nagsasabing downgrade si Bea, eh, mga superficial na tao. Maging masaya na lang kayo para sa kapwa n'yo.”
True, maging masaya na lang para sa Bea-Dom relationship.
Anyway, both single naman, so walang problema, right, Bea?





Comments