top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kung ang padir ng anak, responsible dad daw… MCCOY: ELISSE, PERFECT MOM!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 5, 2022




After 3 years ay muling humarap nang magkasama ang real-life couple na sina McCoy de Leon and Elisse Joson sa entertainment press kahapon sa digital mediacon ng pelikula nilang Habangbuhay.


Huli pa kasing nakita ng press ang dalawa na together sa isang presscon ay noong 2019, for the movie Sakaling Maging Tayo.


Ang Habangbuhay din ang comeback film ng McLisse after 3 years.


Aminado ang dalawa na medyo nagdalawang-isip sila na tanggapin ang pelikula.


“Ang haba po ng process before we actually we're able to do this film. Siguro, ‘yung deciding factor is because nga we have to consider na we have a baby and also, the work circumstances na pandemic, tapos may baby kaming kasama,” sey ni Elisse.


Isa pa nga raw worry nila ay baka hindi na bumagay sa kanila ang pelikula na young love ang tema since may anak na nga sila.


But eventually ay nagdesisyon daw sila na gawin ito at nagpapasalamat sila sa mga producers na sa kanila ipinagkatiwala ang movie.


At tuwang-tuwa naman daw sila sa naging resulta ng pelikula.


“Nakakatuwa po na seeing the sneak peek, puwede pa pala,” masayang sabi ni Elisse.


Maging ang direktor na si Real Florido ay bumilib sa acting na ipinakita ng McLisse at tinawag nga niyang next Bea Alonzo si Elisse dahil sa husay na ipinamalas nito sa movie habang si McCoy naman daw ay napakalawak din ng acting range.


Sa digicon ay nahilingan din ang McLisse na ilarawan ang isa’t isa bilang ama at ina ng kanilang anak na si Baby Felize.


Ayon kay Elisse, bagama’t hindi naging madali ang adjustments at mga challenges na pinagdaanan nila, sobrang thankful niya na si McCoy ang kanyang partner.


"Dahil si McCoy, he’s a very hands-on dad. Sobrang nakita ko ‘yung shift from you know, being just a boyfriend, tapos naging dad na siya. So, everyday, kahit hindi ko nasasabi sa kanya araw-araw, nakikita ko talaga ‘yung pagiging responsible niya na tatay.


“And lagi ko ngang sinasabi kay Felize, kahit hindi niya naiintindihan, that she’s very lucky to have McCoy as her dad,” sabi ni Elisse.


Para naman kay McCoy, perfect mom si Elisse.


“Wala akong masabing kulang, wala akong masabing sobra. Sobrang perfect si Elisse para sa anak namin. Kaya ayun, thankful ako kay Lord,” he said.


Mapapanood na ang Habangbuhay sa April 20, 2022 on Vivamax Plus and April 22, 2022 on Vivamax.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page