Kung ang misis, hindi na… TOM, SUOT PA RIN ANG WEDDING RING NILA NI CARLA
ni Nitz Miralles - @Bida |February 08, 2022

Ni-like ni Tom Rodriguez ang post ni Carla Abellana na nagpapa-tattoo siya at ikinatuwa ito ng TomCar fans. Wish nila, sa susunod na vlog ni Carla, magkasama na sila at hindi na lang sa intro ng vlog mapapanood si Tom.
Wish din nilang makita na suot na ni Carla ang kanyang wedding ring dahil si Tom, suot pa rin ang kanyang wedding ring.
Gustong malaman ng TomCar fans kung nagpaalam si Carla kay Tom na magpapa-tattoo siya.
O, nagulat na lang siya na itinuloy na ni Carla ang matagal nang plano na magpa-tattoo?
Sabagay, hindi naman takaw-pansin ang tattoo ni Carla, parang heart emoji lang na ginagamit natin sa pagpo-post sa socmed. Nasa likod ng kanyang tenga ang tattoo at kulay red.
“I’ve been wanting to get new tattoo actually. I’ve been planning to get two tattoos, but today, I will get just one. Sa likod ng tenga because they say it’s not as painful because it’s in a boney
area, not in a fleshy area,” sabi ni Carla.
Very comfortable ang unang pagpapa-tattoo ni Carla dahil sobrang gaan daw ng kamay ng tattoo artist.
“No pain whatsoever,” dagdag ni Carla.
Tuloy ang buhay nina Carla at Tom amidst the rumors na hiwalay na sila. Si Carla ay busy sa kanyang vlog at pagwo-workout. Si Tom, nagge-guest sa All-Out Sundays at magge-guest sa Magpakailanman.





Comments