top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Kung ang ibang artista, 'di makalantad… MIEL, WA' PAKI SA SASABIHIN NG IBA, PROUD NA LGBT

  • BULGAR
  • Jun 19, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 19, 2022




Labis na ikinagulat ng publiko ang paglantad-pag-amin ng anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Miel na kabilang siya sa LGBTQIA+ community.


Pero, sa halip na kondenahin at ikahiya, all-out ang suporta ni Megastar Sharon Cuneta kay Miel.


Si Miel nga ang nagmana kay Shawie na mahilig kumanta at maganda ang singing voice. Magaling din siyang mag-rap at sumayaw.


Maging si KC Concepcion ay nakasuporta rin sa kapatid na si Miel. Nag-post pa nga si KC ng mensahe sa social media para kay Miel.


Kung tutuusin, hindi na big deal at big issue sa lahat ang pag-amin ni Miel tungkol sa kanyang pagkatao. Maraming celebrities ang tulad niya. Hindi nga lang nila maamin sa publiko ang kanilang itinatagong sikreto. Pero si Miel, buo ang loob at hindi ikinahiya ang kanyang paglantad. Dedma siya sa maaaring sabihin ng iba.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page