top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kung ang iba, bitter... MICHAEL V., TANGGAP NA TINALO NI BBM SI LENI

BULGAR
May 15, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 15, 2022



Saludo kami sa Comedy Genius na si Michael V. sa kanyang pagiging good sport.


Aminado naman si Bitoy na si VP Leni Robredo ang kanyang sinuportahan at ibinoto noong nakaraang eleksiyon. Pero, tanggap niyang majority sa mga botante ay bumoto sa BBM-Sara UniTeam.


Kaya nag-post nga si Michael V. na panalo na ang pula. Nag-compose pa siya ng isang tula patungkol sa naganap na eleksiyon.


Sey pa ni Michael V., "Pink ang aking puso....pero...pula talaga ang nanalo!”


Well, kung ang lahat sana ng mga Leni Robredo supporters ay tulad ng attitude ni Michael V. na marunong tumanggap ng pagkatalo, magiging payapa ang pagsisimula ng pagbabago.


Samantala, ang programang Bubble Gang ay nagse-celebrate ng 27 years anniversary. Kaya may mga pagbabagong magaganap sa format ng longest-running gag show.

Si Michael V. na creative consultant din ng BG ay nagsabing open sila sa mga pagbabago para sa ikagaganda ng show.

'

May mga bagong nadagdag din ngayon sa cast ng Bubble Gang tulad nina Tuesday Vargas, Kokoy de Santos, Kim De Leon at Dasuri Choi. Kasama pa rin sa original cast ng BG sina Paolo Contis, Chariz Solomon, Sef Cadayona, Valeen Montenegro, Arny Ross at Archie Alemania.


May ilang nawala na rin sa cast ng Bubble Gang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page