top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kung ang Hollywood actor daw ang naging mister, wala siyang problema, Kiko…

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 5, 2020
3 min read

SHARON, SINULATAN SI KEANU REEVES PARA IALOK ANG SARILI

Julie Bonifacio - @Winner | December 5, 2020




Nagpaka-fan girl muli si Megastar Sharon Cuneta sa latest Instagram posts niya. Buong-pagmamalaking ibinandera ni Sharon ang pagiging fan niya sa bida ng John Wick franchise na si Keanu Reeves.


Dalawang magkasunod na posts na may kinalaman kay Keanu ang laman ng kanyang Instagram account three days ago.


Sa unang IG post niya about Keanu ay nangumpisal si Mega at sa pangalawa ay lantaran ang pagnanasa niya na makilala nang personal ang bida ng blockbuster films na Matrix at Speed.


"I have a confession. Did you ever hear about that bidding for a few minutes live with Keanu over Zoom for a children’s hospital charity? I made a bid. I lost by $100. Natulog lang ako, paggising ko iba na nanalo. And my bid reached $70K - for sick children naman na charity kasi," simula ng caption ni Mega sa piktyur ni Keanu na naka-post sa IG niya.


Ilang araw daw ang lumipas na hindi niya na-check ang kanyang e-mail.


"When I did, there was one from the organizers pala saying that the winner couldn’t pay, after all! And if I still wanted to bid and get it!"


Dugtong pa ni Mega, "Waaaaaaaaaahhhh! I missed it because I didn’t open my dang e-mail! Oh well... Lord, sana may ganu'n pa po uli. Pero isip ko, ayaw ni Lord makilala ko s'ya. Kasi baka makalimutan ko lahat ng kabutihang turo ng mga magulang ko at ng Bible sa 'kin. Juskopo."


Nanghinayang ang mga followers ni Sharon sa muntikan na nilang pagmi-meet sana ni Keanu. 'Yung iba naman, may naisip na paraan para magkita sila ng Hollywood actor.


"Bff ni Sen. Manny Pacquiao si Keanu, pa-introduce na lang kayo.... and besides, you help all the time rin naman so that part is covered."


Isang open letter naman para kay Keanu ang ipinost ni Mega sa kanyang IG.


"Dearest Keanu, You were born on the same day as my third daughter was, and you are two years older than me. You: Sept. 2, 1964. Me: Jan. 6, 1966. You: Virgo. Me: Cappy. We: Perfectly compatible. We: Kind, sincere, soft, good people. We: Actors. We: Why not together? Me: Malamang asawa mo na ako now at wala akong kaproble-problema sa buhay. Kailan kaya kita makikilala? #uuyyywishfulthinkingkahitkapalko#lovekeanuforever #ikawlangangpuedengpumalitsaloml"


Sa IG post na ito ni Mega ay may netizen ulit na nag-comment na patulong siya kay Sen. Pacquiao para ma-meet ang Hollywood actor.


"Ask Senator Manny Pacquiao na ipakilala ka, Mega. Fan ni Senator Pacquiao si Keanu."


This time, nag-reply si Mega sa comment ng netizen, "Nakita ko nga, eh! Jusko naman, Pareng Manny, 'di naman ako kasali sa politics! Kung may galit ka kay Kiko (mister ni Sharon na si Sen. Francis Pangilinan) h'wag sa 'kin! Pls. naman, Sharonians naman kayo ni Mare (Jinkee Pacquiao, misis ni Sen. Manny) nu'ng simula pa, 'di ba, sabi n'yo?! @jinkeepacquiao," reply ni Mega.


At sinundan pa 'to ni Mega ng isa pang reply, "Mareng Jinkee, baka naman....hahaha! Makilala lang si Keanu. Lilipad ako kahit saan kayo, promise! @jinkeepacquiao."


Iba rin si Sharon, 'di ba? Pati mister, inilalaglag para sa kanyang kapritso.


But knowing Sharon, it's her way of making lambing lang and joke paminsan-minsan. At naiintindihan naman ni Sen. Kiko ang pagiging fan girl ng misis niya.


Sakay na sakay siya sa mga pakilig moments ng misis niya sa mga favorite celebs and shows or movies nito. No wonder, still going strong ang relasyon nila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page