top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kumpirmado, sa Jan. 17 na magsisimula… JULIUS, PALIT KAY RAFFY SA TV5

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 9, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | January 09, 2022





May teaser na ang TV5 sa pagpasok ni Julius Babao sa network at tinawag nilang “Bagong Kasangga” ang dating Kapamilya.


Nakalagay din sa Facebook page ng TV5 na sa January 17 na mapapanood si Julius sa Frontline Pilipinas.


Ang description pa nga kay Julius ay “Matapang na mamamahayag, hatid ay nagbabagang balita at paglilingkod sa bayan. Beteranong journo. May alam at pakialam ang bagong kasangga ng Frontline Pilipinas."


Hindi ipinakita ang mukha ni Julius sa teaser, kaya lang inilabas ni Julius ang same teaser sa kanyang Facebook page. Kaya, kahit wala pa siyang kinukumpirma, alam nang siya ang tinutukoy sa teaser. Si Julius nga ang papalit kay Raffy Tulfo sa Frontline Pilipinas.


Naalala namin, may Kapamilya fan na nag-comment na sa paglipat ni Julius sa TV5, wala nang manonood sa kanya. Ganu’n din daw ang nangyari kina Kim Atienza at Atom Araullo. Si Atom, hindi sumagot, pero si Kuya Kim, nag-comment ng “hindi naman” at tama siya dahil marami pa rin ang nanonood sa kanya sa GMA-7.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page