Kumpirmado ng DOH ang UK variant ng COVID sa Bontoc Peninsula, nakupo!

ni Ka Ambo - @Bistado | January 27, 2021
Aalisin na rin ang cedula.
Huh, panahon pa ‘yan ni Gat. Andres Bonifacio, ha?
◘◘◘
Kinumpirma na ng DOH ang pagkalat ng UK variant ng COVID sa Bontoc Peninsula.
‘Yan na ang kanilang kinatatakutan!
◘◘◘
Tumataas ang presyo ng baboy at manok.
Hayaan mo sila, ‘pag walang bumili niyan, bababa rin ‘yan!
◘◘◘
Hinahanting na ang mga pulis na pumatay sa apat na intel officers ng AFP sa Sulu.
Huwag sana silang mang-agaw ng baril!
◘◘◘
Maraming Pinoy ang tinatamaan at namamatay sa COVID sa United States.
Huwag sana nilang sisihin si Trump!
◘◘◘
Naggigirian na ang military hardware ng U.S. at China sa Taiwan at sa West Philippine Sea.
‘Yan ang ikatlong “wave ng COVID crisis”!
◘◘◘
Pabago-bago ang desisyon ng Malacañang kaugnay ng protocol sa lockdown.
May bago na bang “pangulo” ang Pilipinas?
◘◘◘
Ayaw magpapigil ang mga kongresista sa pagbuhay sa Cha-Cha.
Ganyan talaga ang ugali ng mga “walang magawa sa buhay”!
◘◘◘
Nalampasan daw ng BIR ang collection target sa 2020.
Isang himala!
◘◘◘
Aprubado na ang “saliva test” upang matukoy kung sino ang may COVID.
Kailangang-kailangan ito ng mga tsismosa’t tsismoso sa kalye!
◘◘◘
Naglabas ng “fake news” sa pagkamatay ni Efren “Bata” Reyes.
Natawa lang ang tumbukero!
◘◘◘
Binaril at napatay ang isang Paring Katoliko sa Bukidnon.
Amen!





Comments