Kumpara nu'ng nasa Darna… JANE, ‘DI NA MAKILALA, IBANG-IBA NA ANG HITSURA
- BULGAR

- Feb 1, 2025
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 1, 2025
Photo: Jane De Leon - IG
Pinabulaanan ni Jane de Leon na gumagamit ang series nilang Incognito ng green screen.
Sa nasabing series ay ipinakita ng aktres ang kagandahan ng Palawan at tahasan niyang sinabi na wala silang ginagamit na green screen sa kanilang mga eksena.
Kumbaga, lahat ng mga napapanood ng avid viewers ng Incognito ay pawang totoo, lalo na ang kabuuan ng Palawan.
Isa sa cast ng Incognito si Jane kasama sina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Baron Geisler, Ian Veneracion, Maris Racal, Anthony Jennings, and a lot more.
Sa X (dating Twitter) account ng aktres ay nag-post siya ng eksena with picturesque scenery sa Palawan. Isang basher ang nagkomento na ginamitan nila ng green screens ang series.
“Ganda sa El Nido. Ganda ng location,” aniya si Jane sa caption.
Sabi ng basher sa comment section, “Hahaha! Laro. Debunked na naman mga GG (galit na galit) sa green screen.”
Isa pang intriguing comment ang nabasa, pero pabor sa aktres, kung saan nabanggit ang Kapuso series na Widow’s War (WW) nina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Aniya, “Nasaan na ‘yung nagsabing green screen ang scene ni Jane? ‘Yan ang proof. ‘Yung proof nu’ng sa Widow’s Warla, nasaaan? Hahaha!”
Ang tinutukoy ng mga netizens ay ang finale episode ng Kapuso series na ginamitan umano ng green screen.
Oooppps, teka lang, napansin lang namin na ang laki ng iginanda ng Kapamilya actress ngayon. Hindi namin siya nakilala agad sa nasabing series unlike noong Darna days niya.
May ipinabago na naman kaya siya sa kanyang face?
YEAR of the Snake ang 2025 kaya naman nag-post si Beauty Gonzalez ng isa niyang picture na may kasamang malaking ahas.
Sa socmed (social media) account ng aktres ay ibinida niya ang malaking ahas, kung saan siya nakadapa at nakapulupot ito sa kanyang katawan. Aniya, “Your year Snakey!!!
Let’s make it a Succe$$ssssss!”
Komento ng mga netizens:
“Whoooa!!” “Gandaaaa!” “Turn on your IG stories comment section, please, please,” request ng isang netizen.
“OMG!”
“Same here queen!”
Naka-off kasi ang comment section ng aktres kaya nagtataka ang mga netizens.
Bakit kaya?
Labis na pinasalamatan ni Iya Villania si Ria Atayde sa ibinigay nito sa kanyang mga goodies para sa kanyang bagong ipinagbubuntis.
Sa kanyang Instagram (IG), sinabi ni Iya na natuwa siya sa mga natanggap dahil wala pa siya ng mga ito para sa kanyang ika-limang ipinagbubuntis.
“Exactly what I was still lacking. Thank you, @ria. This was the swaddle that worked best for all 4 kids but I gave them all away. So I’m happy to be able to have something to use again for this one. Oh, and the bréast pads! Yes. In prep for the leaky, milky boobs,” ang caption ni Iya sa kanyang IG post.







Comments