top of page

Kumokontak pa raw ng mga influencers para sirain siya… CHIE: SOFIA, IMMATURE, BULLY AT EVIL!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 20, 2025



SPECIAL - CHIE_ SOFIA, IMMATURE, BULLY AT EVIL!_FB Chie Filomeno_Sofia Andres

Photo: FB Chie Filomeno_Sofia Andres



Sumabog na nga ang away sa pagitan nina Chie Filomeno at Sofia Andres na nag-umpisa lang bilang blind item sa social media hanggang sa nagparinigan na sa kani-kanilang socmed account at ngayon, lantaran nang may pangalan ang mga posts nila.

Kung tama ang nakarating sa aming impormasyon, ang pagkaka-link ni Chie kay Matthew Lhuillier na kamag-anak ni Daniel Miranda, ang tatay ng anak ni Sofia Andres, ang dahilan ng matinding away ngayon ng dalawang aktres.


Matatandaang unang in-unfollow ni Sofia si Chie nang pumutok nga ang isyu ng diumano’y relasyon ng huli kay Matthew Lhuillier, na by the way, si Sofia rin yata ang dahilan kaya nagkakilala ang aktres at ang businessman.


Dito na nga nahalata ng mga netizens na may issue na sa pagitan ng dalawang aktres na dati palang magkaibigan.


Sa latest Instagram Stories ng ex-girlfriend ni Jake Cuenca na si Chie, hindi na nga nito kinimkim ang sama ng loob kay Sofia na tinawag niyang bully at evil dahil sa ginagawa raw nitong effort para sirain ang kanyang pagkatao at tinawag pa siyang “prost*tute”.

Inilabas din ni Chie ang screenshot ng mensahe sa kanya ng isang taong nagmalasakit na ipaalam ang ginagawa raw na black propaganda laban sa kanya ni Sofia.


Mababasa sa na-screenshot na mensahe, “Chie, message me on viber. I will send you screenshots of Sofia reaching out to influencers like me to spread hate on you sa tiktok and other platforms.”


Sa ibaba ng photo message, ganito ang isinulat ni Chie, “Truly heartbreaking. I know she’s evil but didn’t expect her to go this low. I am not surprised anymore tho. But I hope and pray that the things you are doing to me now, your daughter will never experience. I really wish she does not feel this kind of pain. Because I will never ever do something like this. I do not want my future child to be treated the way you treat people. I was gonna let karma do its job - nope I am your karma. You post and act differently online but say and do completely different things behind it.


“You might wanna reply to my messages first before “reaching out” to influencers. Grabe revelations past few days ah (praying heart emoji).”


Bukod dito, may isang photo rin si Chie na mababasa sa bandang ibaba na may nakalagay na: “Na-hack (teary-eyed emoji) No amount of designer clothes can hide an ugly soul, right Sofia?”  


At sa isang mahaba pang post ni Chie, sinumbatan nito si Sofia Andres na pinatitigil daw siyang mag-post sa socmed tungkol sa mga patutsada niya laban sa aktres, pero ito naman pala ang kung anu-anong sinasabi tungkol sa kanya at gumagawa pa nga raw ng paraan para siraan siya kaya tinawag niya itong “immature”.


Mensahe pa ni Chie kay Sofia, “I hope you find peace because you really need it, Sofia.”

Nakarating din daw kay Chie ang sinabi ni Sofia na hindi niya hahayaang mapalibutan ng ‘prosti’ ang anak na si Zoe, na pinalalabas pa raw ni Sofia na galing kay Sarah Lahbati para maghugas-kamay na hindi raw ito sa kanya galing.


Parte ng post ni Chie, “The audacity to say ‘I’m not going to surround Zoe with prost*tutes for God’s sake’ when the rumors came from you btw is really insane.”

Oh, ha? Nakakalokah! Kung magpapatuloy ang word war online nina Chie at Sofia, hindi kaya mas marami pang ‘dark secrets’ ang lumabas?


Well, hintayin natin ang panig ni Sofia sa mga ibinulgar ni Chie.






PORMAL nang winelkam ng Rein Entertainment ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes para sa bagong pelikulang gagawin ng produksiyon ni Direk Lino Cayetano.


Mula sa kanyang mga stand-out performances sa Kadenang Ginto at Senior High, pinabilib ni Andrea si Direk Lino sa ipinakita niyang galing sa pag-arte sa mga naturang teleserye, dahilan para siya ang mapili ng direktor-producer para magbida sa bagong pelikulang sisimulan ng Rein Entertainment.


Bukod dito, may mga plano rin ang naturang production company para kuning bida si Andrea sa upcoming series projects na gagawin nila.


Ayon na rin mismo kay Direk Lino nang mahingan ng pahayag kung bakit si Andrea ang napili nila, “Andrea brings both strength and sincerity to every role. We’re thrilled to have her lead this new film and look forward to exploring more opportunities to work together, including future series collaborations.” 


Kilala ang Rein Entertainment sa paglikha ng mga pelikulang “bold at emotionally resonant stories” tulad ng MMFF movie noong Nanahimik ang Gabi na pinagbidahan ni Heaven Peralejo.


Ang mga ganitong pelikula na nagpapakita ng kagalingan ng Filipino talents ay isang bagay na sumasalamin kay Andrea Brillantes bilang isang GenZ artist at entrepreneur. 


At dahil kilalang matapang at palaban si Andrea, swak talaga sila ni Direk Lino na gumawa ng isang project dahil tiyak na pasabog ang kahihinatnan nito.


Abangan na lang natin ang iba pang detalye sa gagawing drama-thriller film ni Andrea na balitang sa Cebu pa ang shooting at ididirek ni Sigrid Andrea P. Bernardo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page