Kumikita sa pagba-vlog at negosyo… YAMAN NI IVANA, UMABOT NA SA P356 M
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 4, 2023

Hindi priority ni Ivana Alawi ang pagkakaroon ng love life kahit na maraming guys ang nagpaparamdam at gustong manligaw sa kanya dahil mas gusto niyang mag-focus sa kanyang showbiz career ngayon, gayundin sa kanyang pagiging vlogger/influencer.
May 16.7 million subscribers na si Ivana, kaya kumikita na siya nang malaki sa kanyang pagba-vlog. At muli siyang pumirma ng kontrata sa Star Magic, kaya tiyak na may mga projects siya na gagawin.
Pangarap niyang makasama sa movie sina Coco Martin at Joshua Garcia. Financially stable na rin si Ivana dahil may mga assets siyang nagkakahalaga ng P356 M. Kaya kasama siya sa listahan ng mga “Richest Actors/Actresses in the Philippines”.
Kasama sa yaman ni Ivana ang ipinamana sa kanyang mansion ng yumao niyang Moroccan father. Bukod doon, may sarili na rin siyang negosyo, ang Ivana Skin. At patuloy na kumikita ang kanyang vlog sa YouTube.
Kung dati-rati ay dinededma at hindi siya pinapansin noon ng ilang celebrities, pero nang sumikat siya bilang vlogger ay bigla rin siyang nakilala sa social media at naging pantasya ng mga kalalakihan.





Comments