top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kumikita sa kararampa sa Paris at New York… HEART, MABENTANG ENDORSER KAHIT WALANG SHOW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 14, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 14, 2023




Walang regular show sa GMA Network at hindi rin tumatanggap ng mga movie projects si Heart Evangelista, kaya marami ang nagsasabing napabayaan na niya ang kanyang showbiz career sa ‘Pinas.


Mas kinakarir ni Heart ngayon ang makilala sa fashion world sa Paris at New York. Doon niya kasi nakakasalamuha ang mga sikat na fashion designers at top models sa iba’t ibang panig ng mundo.


Ito ang nagpapasaya ngayon kay Heart at natupad na rin ang matagal na niyang pangarap na maging bahagi ng glamorosong mundo ng mga sikat na models. Dito niya gustong mapabilang at makilala.


Wala namang problema dahil very supportive sa career ni Heart ang kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero at sinasamahan pa siya nito sa Paris kapag may mga fashion events. Ang mister din ang nagsisilbing photographer at bodyguard niya.


Ang exposure na ito ni Heart sa mundo ng fashion sa Paris at New York ang naging daan upang makilala at kunin siya ng mga malalaking advertisers.


Hindi maipagkakaila na in demand talaga ngayon si Heart. In fact, kinukuha na rin siya bilang endorser ng mga bagong condominiums at resorts.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page