top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kumikita na sa YouTube, ABS-CBN, inilaglag… TONI, OUT SA PBB BILANG HOST

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2022
4 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | February 10, 2022




May nasira na namang relasyon sa pagitan ni Toni Gonzaga at ng pamunuan ng ABS-CBN dahil sa pulitika.


Open book ang mag-asawang Toni at Direk Paul Soriano na supporters sila ni presidential aspirant Bongbong Marcos at ni vice-presidential aspirant Sara Duterte, at aware sila sa sandamakmak na bashing na natatanggap nila araw-araw na inaalmusal, tanghalian at hapunan nila dahil sa lahat ng mga kandidato para sa pinakamataas na posisyon ng bansa ay si BBM ang pinakaayaw nang makabalik sa posisyon dahil sa ginawa ng magulang niya.


Sa ginanap na proclamation rally ng BBM-Sara tandem nitong Martes (Pebrero 8) sa Philippine Arena o Ciudad de Victoria, Bocaue, Bulacan ay si Toni ang host sa buong event.


Habang isinasagawa ang nasabing rally ay kaliwa’t kanan ang bashing sa TV host-actress dahil kinukuwestiyon ang pagho-host niya. Okay na raw sana na supporter siya o nakilahok siya, pero ang hindi matanggap ay siya pa ang nagpakilala kay Congressman Rodante Marcoleta na kumakandidatong senador sa Mayo.


Alam na alam naman kasi ng buong bansa na si Ginoong Marcoleta ang nagdikdik sa mga bossing ng ABS-CBN sa pagdinig ng renewal of franchise noong 2020 sa Kongreso.


Isa si Marcoleta sa mga gigil na gigil na ipasara ang nasabing network kung saan mahigit 11,000 empleyado ang nawalan ng trabaho.


At bilang Kapamilya artist ay nakidalamhati si Toni sa mga nawalan ng trabaho at nagsabi pa siya na hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na isinara ang ABS-CBN.


Kaliwa’t kanan ang posting sa kani-kanilang social media account ng mga empleyadong naiwan sa Kapamilya Network at ng mga nawalan ng trabaho. Gigil na gigil sila sa galit kay Toni dahil sa ginawa nito.


Ipinaalala sa TV host-actress ang mga pinagsasabi niya noon na nagagalit siya sa mga taong responsable sa pagpapasara sa network, pero heto, kasama niya sa entablado at kitang-kitang masaya pa siya.


Masakit nga naman 'yun para sa Kapamilya staff. Ano nga ba'ng nangyari na kay Toni?


Sapantaha namin, bago pa tinanggap ni Toni na maging host sa BBM-Sara proclamation rally nitong Martes ay handa na siya sa mga mangyayari.


Pakiwari namin ay sinunog na ni Toni ang tulay niya sa ABS-CBN na nagpasikat sa kanya dahil noong lumipat naman siya sa Kapamilya Network mula sa GMA-7 ay hindi pa malaki ang pangalan niya.


Kaliwa’t kanan ang mga pelikula niya noon bilang leading lady hanggang sa naging host ng Pinoy Big Brother simula 2005 hanggang ngayong 2022.


Kung hindi siya sinugalan ng nasabing istasyon at ng Star Cinema ay hindi siya sisikat at makakapagpatayo ng magandang bahay, makakabili ng mamahaling sasakyan para sa pamilya, makakapagpundar ng buildings, townhouses, condominium units at mga lupa na pinauupahan nila ngayon.


Kaya masakit para sa bawat Kapamilya ang ginawa ni Toni sa pagpapakilala niya kay Marcoleta.


At dahil dito ay hindi na parte ng Pinoy Big Brother si Toni bilang main host.


Ayon sa post ni TV Patrol reporter MJ Felipe nitong Miyerkules nang 2:30 PM, “THIS IS JUST IN: According to a reliable source, Toni Gonzaga will no longer host Pinoy Big Brother.


No formal resignation but source said that Toni has voluntarily endorsed the main hosting job of the reality show to Bianca Gonzalez.


“Reach out to PBB and Toni, awaiting their official statements and reaction.”


Matatandaang sina Toni at Bianca kasama si Mariel Rodriguez ang mga hosts ng PBB simula umpisa at nagbakasyon lang ang huli dahil nag-asawa na at gustong pagsilbihan ang pamilya lalo’t maliliit pa ang mga anak nila ni Robin Padilla na sina Isabella at Gabriela.


Hmmm, mukhang keri na ni Toni na mawalan ng TV show dahil malakas ang YouTube channel niyang Toni Talks na may 4.93 M subscribers.


At pagdating naman sa pelikula ay producer na rin siya kasama ang kapatid na si Alex Gonzaga-Morida. Sila ang may-ari ng TinCan Productions at ang mga pelikulang ipinrodyus nila ay pawang box office hits tulad ng Mary Marry Me nu'ng 2018 at ExorSis nu'ng 2021.


Sa mga nangyaring ito sa pagitan nina Toni at ABS-CBN staff and management ay umaasa kaming sana isang araw, magkausap at muling magkaayos.


At bago namin matapos ang balitang ito ay nag-post si Toni ng kanyang official statement sa Instagram account.


Aniya, “It has been my greatest honor to host PBB for 16 years.


“From witnessing all my co-hosts transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya!


“Today, I’m stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy.


“It has been my privilege to greet you all with ‘Hello Philippines' and 'Hello World' for the last 16 years.


“I will forever cherish the memories, big nights and moments in my heart.

“Thank you Kuya for everything.


“This is your angel, now signing off…”


Samantala, nag-comment naman ang kaibigan at dating PBB host na si Mariel, "I love you Toni.


You are a friend and a sister FOREVER (emoji heart). Welcome to the outside world, Toni."


Nag-sad face naman si Melai Francisco na PBB Big Winner noong 2009.


Tatlong hearts naman ang post ni Maja Salvador at ng kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga.

Hindi naman nagustuhan ng business unit manager ng PBB na si Raymund Dizon ang ginawa ng TV host.


Samantala, naglabas na rin ng official statement ang ABS-CBN na ganito ang nilalaman…


"We respect the decision of Toni Gonzaga-Soriano to step down as main host of Pinoy Big Brother.


"Toni has been part of our reality show for 16 years and we thank her for helping bring the stories of our housemates to our viewers."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page