Kumalat, sugarol na, lasenggo pa… BILLY, IBINULGAR NA ANG TOTOONG DAHILAN NG PAGBAGSAK NG KATAWAN
- BULGAR
- Oct 5, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 05, 2023

Nagtataka kami kung bakit hindi matigil-tigil ang mga negatibong paninira kay Billy Crawford. Dati na siyang naakusahan na diumano ay may bisyo, lasenggo at ngayon naman ay sugarol.
Sobra raw gumon sa pagsusugal si Billy kaya kulang sa tulog at nangangayayat at nahulog ang katawan.
Sumusumpa naman si Billy Crawford na hindi siya alcoholic at nakokontrol niya ang pag-inom.
Wala rin daw siyang bisyo at hindi sugarol.
Sobra lang daw siyang energetic at napapagod sa kanyang mga ginagawa kaya siya pumayat.
Mahal na mahal ni Billy Crawford ang kanyang mag-ina kaya hindi siya gagawa ng mga bagay na makakasira sa kanyang pamilya at sa kanyang career.
Siguro, may mga taong gusto siyang ibagsak at wasakin ang kanyang image sa publiko kaya siya sinisiraan. Naniniwala si Billy na lalabas din ang katotohanan at malalagpasan niya ang lahat.
Seryoso siya sa kanyang trabaho at thankful siya na naging bahagi ng programang The Voice Generation bilang isa sa mga mentors. Kasama niya rito sina Chito Miranda, Julie Anne San Jose at SB19's Stell.





Comments