Kumalat na nanganak na… AJ, BIGLANG NAG-POST NG FLAT NA TIYAN, AYAW PANIWALAAN NG NETIZENS
- BULGAR
- Nov 30, 2022
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 30, 2022

Imbes mag-deny o magbigay ng statement si AJ Raval kaugnay ng latest na kumalat na nanganak na diumano siya sa isang ospital sa Pasig ilang araw pa lang ang nakararaan, idinaan ng sexy star ang pagsagot sa issue sa pamamagitan ng pagpo-post ng kanyang larawan na may background na Christmas tree.
Meron din siyang ipinost na picture kung saan makikitang flat naman ang kanyang tiyan habang nakatayo at nakahiga.
Pero sa kabila nito, hindi pa rin kumbinsido ang ilang netizens at ayaw tantanan si AJ.
Malaki talaga ang paniniwala nila na totoong nanganak na ang sexy star kung saan ang pinagdududahang ama ng bata ay walang iba kundi ang rumored boyfriend nitong si Aljur Abrenica.
Ilan sa mga comments na nabasa namin sa socmed kaugnay ng ipinost na mga larawan ni AJ ay ang mga sumusunod…
"Deny pa more! Nakapag-ready ka na ng mga pics na puwedeng ilabas in case, ha?"
"Haha! True. Lalo 'yung 3rd pic, sobrang luma na. AJ, mahiya ka naman."
"Halata namang naka-girdle."
"Bakit parang meron siyang pinapatunayan instead of denying. Meron pa siguro siyang mga active contracts."
"Throwback photos, lol. Grabe si ate girl makatanggi, eh, ang dami-dami nang nakakaalam."
"Baka last Christmas photo pa 'toh, AJ, ah. Nililinlang mo na naman kaming mga Marites, hahaha!"
Samantala, may napansin din daw ang mga Marites na netizens na 'leak' sa boobs ni AJ.
"Is that a leak I see?"
"Yup, I see the leak on one side of the boobie. Looks like she’s wearing tight clothing too."
"Boobs niya, may ugat. Ganyan ang buntis."
"Ooops, gatas mo sa isang bubey mo, lumalabas na. Gutom na anak mo, Neng."
'Kalokah!!!
Hindi kaya next week, ang issue ay nakitang inihahatid na sa school nina AJ at Aljur ang kanila raw anak?
Bilis ng mga pangyayari, 'no?! Hahaha!




Comments