Search
  • BULGAR

Kumalat na balita na pagpapadala ng panis na pagkain sa ospital ni VP Leni, fake news!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 25, 2020



KAPAG NAG-PPE ANG RIDER AT ANGKAS NITO, LIGTAS NGA SA VIRUS, BAKA MA-HEAT STROKE NAMAN SILA—Ayon sa Department of Transportation, papayagang magkaroon ng angkas ang mga rider, ngunit dapat pareho silang magsuot ng Personal Protective Equipment (PPE).


Pambihira, hindi man lang ba naisip ng mga taga-DOTr na masyadong mainit sa katawan ang PPEs?


Hirit tuloy ng mga netizens, kung ipapatupad nila ‘yan, eh, baka hindi sa virus madale ang rider at angkas nito, kundi sa heat stroke, period!

◘◘◘

VP LENI, HABANG TUTOK SA PAGTULONG, GINAGAWAN PA NG FAKE NEWS—Nagpalabas ng statement ang Diliman Doctors Hospital na “fake news” lang ang kumakalat na balita sa social media na nagpadala ng panis na pagkain sa kanilang ospital ang Office of the Vice-President (OVP).


Ganyan kasalbahe ang mga DDS bloggers kasi tutok si VP Leni sa pagtulong sa mamamayan ngayon panahon ng krisis dulot ng COVID-19, eh, ginagawan pa siya ng fake news.


Sa isyung ito, dapat tuluyan nang kasuhan ni VP Leni ang mga nagpapakalat ng pekeng balita laban sa kanya kasi kung dededmahin lang niya ang mga ito ay hindi talaga siya tatantanan ng mga mapanirang ‘yan, period!


◘◘◘

HINDI DAPAT IPAGKUMPARA NI SEN. LACSON SINA CATRIONA GRAY AT LUCY TORRES—Kung batikos ang inabot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson dahil sa pag-join ng beauty queen sa panawagang #JunkTerrorBill ay pinuri naman ng senador si Leyte 4th Dist. Rep. Lucy Torres-Gomez sa pagsuporta sa Anti-Terrorism Bill, na ayon sa kanya (Sen. Lacson), na bukod sa maganda na, ginagamit din daw ng congresswoman ang utak para suportahan ang magandang panukala-batas laban sa mga terorista.


Hindi dapat ipagkumpara ni Sen. Lacson sina Catriona at Lucy kasi ang isa ay beauty queen na mulat sa mga nangyayari sa lipunan habang ang isang naman ay beauty politician na DDS, boom!

◘◘◘

“UKAY-UKAY” SMUGGLING, SAWATAHIN KASI BAKA MAY DALA ITONG COVID-19—Namamayagyag daw ang raket na “ukay-ukay” smuggling ngayon nina “Nanie” at “Cortez” sa Port of Manila (POM) at Manila Internatioal Container Port (MICP) sa Bureau of Customs.


Dapat sawatahin agad ni Customs Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero ang raket nina “Nanie” at “Cortez” kasi napakadelikado na baka ang mga “ukay-ukay” na ipinupuslit ng mga ‘yan papasok sa bansa ay may COVID-19, nakupo!


◘◘◘


NAG-GCQ LANG, MGA SMUGGLERS AT “TARA COLLECTOR”, BALIK-RAKET SA CUSTOMS—Ginagamit daw ng isang alyas “Tisay” ang tanggapan ng Assessment Division ng MICP para makapanghingi ng “tara” sa mga smuggler sa Customs.

Pambihira naman, sumailalim lang ang Metro Manila sa general community quarantine, eh parang kabuteng nagsulputan na naman ang mga smuggler at mga “tara” collector sa Customs mga buwisit!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.