Kumain ng fish ball, namili sa sari-sari store… HEART, TRYING HARD MAGPAKA-MASA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 4, 2022

Bilib ang mga fans at supporters ni Heart Evangelista dahil hindi ito umurong sa challenge na ipinagawa sa kanya.
Sa kabila ng kasosyalan ni Heart na puro branded ang damit at gamit, tinanggap niya ang challenge na bumili sa sari-sari store at kumain ng mga street food tulad ng fish ball, kikiam atbp..
So far, nasarapan naman si Heart sa fish ball na ibinebenta sa kalsada.
Ang nakakatuwa ay nang bumili siya sa sari-sari store, na-curious si Heart kung ano ang drink na Cobra. Hindi niya alam na mabiling-mabili ito sa mga ordinaryong tao, lalo na sa mga construction workers na gustong lumakas at magkaroon ng energy.
Well, at least ay nag-effort si Heart na ma-experience ang buhay ng mga ordinaryong tao sa kanyang paligid. Ang mundo ni Heart ay umiikot sa fashion world at sa kanyang pagrampa sa Fashion Week sa Paris at New York.
Ganunpaman, hindi pa rin niya tuluyang iiwanan ang mundo ng showbiz. Gusto pa rin niyang mag-artista.





Comments