ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 27, 2024

Dear Chief Acosta,
Dahil wala akong mapag-iwanan sa aking 6 na buwang anak, napilitan akong ipagkatiwala siya sa aming kapitbahay (na naging malapit na sa amin at parang kamag-anak na kung ituring namin). Ngunit nang balikan ko ang aking anak noong hapon ng kaparehong araw, hindi ko na mahanap/matagpuan ang aking kapitbahay. Tinangay na niya ang aking anak. Ilang beses ko siyang tinawagan at tinext, ngunit wala siyang sagot. Nagsampa rin ako ng reklamo sa pulis. Ano ang maaari kong maging hakbang laban sa aking kapitbahay? -- Len Len
Dear Len Len,
Para sa isang magulang, ang paghihirap ng pagkawala ng isang anak sa anumang sitwasyon ay hindi mailalarawan. Kung kamatayan, o anumang iba pang mapaminsalang pangyayari na hindi mahuhulaan o mako-control ng isang magulang, ang sanhi ng naturang pagkawala, ang sakit ay maaaring mapawi ng pag-iisip na ang nangingibabaw na kamay ng tadhana ay namagitan. Ngunit kung ang gayong pagkawala ay dulot ng sinumang may masamang hangarin na kunin ang bata mula sa kanyang mga magulang laban sa kagustuhan ng huli, hindi lamang ang mga magulang kundi ang lipunan sa kabuuan ang nagdadala ng dalamhati at poot na dulot ng gayong masamang gawain. Ang paggawa ng kasamaang ito ay karapat-dapat na mapatawan ng matinding kaparusahan. (People of the Philippines vs. Angelina Mendoza y Ramos, G.R. No. L-67610, 31 Hulyo 1989, Kagalang-galang na Punong Mahistrado Marcelo B. Fernan)
Itinuturing ng ating Revised Penal Code na isang krimen kapag ang isang tao na pinagkatiwalaan ng pangangalaga sa isang menor-de-edad ay sadyang hindi ibinalik ang nasabing menor-de-edad sa kanyang magulang o tagapag-alaga. Ito ang naging pahayag ng ating Korte Suprema sa kasong People of the Philippines vs. Aida Marquez, G.R. No. 181440, 13 Abril 2011, sa panulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Teresita J. Leonardo-De Castro:
“A reading of the charge in the information shows that the act imputed to Marquez was not the illegal detention of a person, but involves her deliberate failure to restore a minor baby girl to her parent after being entrusted with said baby’s custody.
Contrary to Marquez’s assertions, therefore, she was charged with violation of Article 270, and not Article 267, of the Revised Penal Code.
The Revised Penal Code considers it a crime when a person who has been entrusted with the custody of a minor later on deliberately fails to return said minor to his parent or guardian. This may be found in Article 270, which reads:
Art. 270. Kidnapping and failure to return a minor. — The penalty of reclusion perpetua shall be imposed upon any person who, being entrusted with the custody of a minor person, shall deliberately fail to restore the latter to his parents or guardians.
This crime has two essential elements:
1. The offender is entrusted with the custody of a minor person; and
2. The offender deliberately fails to restore the said minor to his parents or guardians.
This Court, in elucidating on the elements of Article 270, stated that while one of the essential elements of this crime is that the offender was entrusted with the custody of the minor, what is actually being punished is not the kidnapping but the deliberate failure of that person to restore the minor to his parents or guardians. As the penalty for such an offense is so severe, the Court further explained what “deliberate” as used in Article 270 means:
Indeed, the word deliberate as used in Article 270 of the Revised Penal Code must imply something more than mere negligence - it must be premeditated, headstrong, foolishly daring or intentionally and maliciously wrong.”
Sa gayon, sa iyong sitwasyon, maaari kang magsampa ng kasong kriminal na pinaparusahan ng pagkakakulong sa ilalim ng Article 270 ng ating Revised Penal Code na may titulo o designasyon bilang “Kidnapping and failure to return a minor”. Kailangan lamang ay mapatunayan na ipinagkatiwala mo ang iyong menor-de-edad na anak sa iyong kapitbahay, at intensyunal o sinadya niyang na hindi ibalik ang iyong anak.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Opmerkingen