top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kulong sa pambabastos sa Pabasa ng Pasyon

BULGAR
May 5, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 5, 2022


Dear Chief Acosta,

Noong nagdaang Mahal na Araw ay nagkaroon ng Pabasa ng Pasyon dito sa aming kapilya. Subalit ako ay nasaktan nang marinig ko ang ilan sa mga dumalo na niloko ang pagbigkas ng Pabasa ng Pasyon na para bang nagra-rap at iniba ang mga detalye nito. Ako at ang mga debotong Katoliko ay labis na nasaktan sa nasabing asal. Mayroon bang batas na nilabag noong panahong iyon?

Louie


Dear Louie,

Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Article 133 ng Revised Penal Code na nagsaad na:

“ARTICLE 133. Offending the religious feelings - The penalty of arresto mayor in its maximum period to prison correccional in its minimum period shall be imposed upon anyone who, in a place devoted to religious worship or during the celebration of any religious ceremony shall perform acts notoriously offensive to the feelings of the faithful.”

Ang nasabing probisyon ng batas ay maaaring malabag nang sinumang gagawa ng mga kilos na kilalang-kilala na nakakasakit sa damdamin ng mga mananampalataya sa isang lugar na nakatuon sa relihiyosong pagsamba o sa panahon ng pagdiriwang ng anumang seremonyang panrelihiyon. Samakatuwid, ang mga dumalo sa nabanggit ninyong Pabasa ng Pasyon sa nasabi ninyong kapilya na niloko ang pagbigkas at iniba ang mga detalye nito ay nilabag ang nasabing batas dahil ang kanilang ginawa ay kilalang-kilala na nakasasakit sa damdamin ng mga mananampalataya na gumunita ng Mahal na Araw, partikular na ang nabanggit ninyo sa inyong sulat na mga debotong Katoliko.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page