ni Ambet Nabus @Let's See | December 6, 2023
Kung na-timing sigurong lumabas na ang IPO decision sa pagharap nina Mega Sharon Cuneta at Alden Richards sa media for the promo of their Family of Two, tiyak kaming piyesta ang mga tsika.
Knowing fully well na pareho silang naging malaking bahagi ng programang Eat… Bulaga! at ng TVJ, siyempre, iba ang kanilang mga emosyon.
Kahit pa nga nakapag-promote na si Alden sa It's Showtime noong Lunes with Mega, iba pa rin ‘yung magiging reaksiyon niya sa pinag-uusapan ngayong tagumpay ng TVJ at Eat… Bulaga!.
May mga komento rin kaming nabasa na mukha raw hindi ganu’n kasaya o ka-excited si Alden sa naging guesting niya sa It's Showtime kumpara halimbawa sa ibang Kapuso stars na napakataas ng energy.
Sey nga namin, baka naman pagod lang o puyat dahil bongga itong nakipaghuntahan sa media nu’ng nakaraang gabi.
Comments