KRISTINE, UMAMIN KAY DINA KUNG BAKIT HANDANG IWAN SI OYO

ni Beth Gelena @Bulgary | September 13, 2026

Photo: Sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa - House of D YT
Naging usap-usapan ang sagot ni Kristine Hermosa nang tanungin ng biyenang si Dina Bonnevie kung ano ang posibleng maging dahilan para iwan niya ang asawang si Oyo Sotto.
Sa isang episode ng House of D, nakasama ni Dina ang mga anak na sina Oyo at Danica, pati na ang manugang na si Kristine, at diretsahang tinanong ni Dina si Kristine.
Isang hypothetical question ang pinakawalan ni Dina, “What would make you leave Oyo, Tin?”
Biro man pero seryoso ang sagot ni Tin na ikinatawa ng pamilya, "‘Pag naging bakla siya. Hindi, joke lang!" sabay bawi nito.
Ipinaliwanag naman ni Kristine ang seryoso niyang sagot.
"Siyempre, infidelity... saka ‘yun na nga, ‘pag iba na preference. Ano’ng gagawin ko sa kanya?”
Ang ibig sabihin ni Kristine, kabilang sa mga bagay na maaaring maging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa ay ang pagtataksil at pagbabago ng romantic o sexual preference ng asawa.
Tanong uli ni Dina, "Do you think magiging reason ang money? Kunwari, wala nang masyadong income?"
Diretso at walang pag-aalinlangang sagot ni Kristine, “Hindi, Ma, kasi alam kong kaya niyang magtrabaho at magtatrabaho rin naman ako.”
Pinuri naman si Kristine ng kanilang mga viewers sa pagiging prangka at mga praktikal niyang sagot.
Pinuri nila ang magandang pagtutulungan ng mag-asawa lalo na't tungkol sa pera at ang malinaw nilang paggalang sa respeto sa isa't isa at sa kanilang pagsasama.
Host ng show, proud na talented ang anak…
DINGDONG, MAY KONDISYON BAGO PAYAGANG SUMALI SI ZIA SA TVK
PUMAYAG si Dingdong Dantes sa posibilidad na sumali ang anak na si Zia Dantes sa The Voice Kids, pero hindi pa ibig sabihin na confirmed na siya bilang contestant.
Ayon sa ama ni Zia, suportado raw nila ng misis na si Marian Rivera ang hilig ni Zia sa musika.
"Nine years old si Zia at mayroon na siyang karanasan sa pagkanta at pagtugtog ng piano, drums at gitara," proud na sabi ng aktor.
Kung papayagan daw niya si Zia, dapat ay may kondisyon.
Gusto niyang kasama at gumagabay si Marian kay Zia kung sakaling sumali ito.
Hindi naman sinabi ni Dingdong na nakapag-audition na o opisyal nang kasali ang anak.
Kahit paano naman daw ay gusto rin niyang makita ni Zia kung paano ang sistema sa The Voice Kids at makilala ang mga coaches na sina Yeng Constantino, Gloc-9 at Julie Anne San Jose, pati ang journey host na si Gabbi Garcia.
Si Dingdong ang main host ng bagong season ng The Voice Kids.
Hmmm... malalaman naman kung isa nga sa mga contestants ng TVK si Zia dahil mapapanood na ang naturang reality singing contest para sa mga bata soon.





Comments