KRISTINE, BUNTIS ULI SA PANG-5 ANAK NILA NI OYO!

ni Nitz Miralles - @Bida | December 11, 2020

Siguradong may mga pakialamerang netizens na naman ang magko-comment sa good news na nai-share ni Oyo Sotto sa Instagram account niya.
Ipinost ni Oyo ang result ng ultrasound na nagko-confirm na preggy uli ang asawa niyang si Kristine Hermosa.
Post ni Oyo, “Nag-POSITIVE!!! Positive na mapapahiyaw ka sa tuwa! Grabe ka, Lord! Salamat, Lord Jesus! Napaka-faithful mo kahit kailan, God is truly amazing. Ibang klase ang mga sorpresa mo... Best Christmas gift ever. #5 #prayingforagirl.”
Pang-limang anak na nina Oyo at Kristine ang ipinagbubuntis ng aktres at natatandaan namin, nang ipagbuntis ni Kristine ang pang-apat nilang anak, may umaway kay Oyo. Bakit daw anak sila nang anak ni Kristine? Hindi raw ba siya naawa ka Kristine, na para bang humihingi sa kanila ng pera ang mag-asawa para ipantustos sa kanilang mga anak.
Kaya, waiting kami kung may netizen uli na eepal sa muling pagbubuntis ni Kristine.





Comments