top of page
FRANKLY - ALFRED- 7-ANYOS KONG ANAK, NANGANIB, IPINAHIYA SA MARAMING TAO, NA-TRAUMA!_FB Al

Kristel, ipinakilala na sa madir ang “Oppa” na manliligaw

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 19, 2024
  • 2 min read

ni Rensel Sabando @Entertainment | February 19, 2024




Proud na ipinakilala ng singer-actress na si Kristel Fulgar ang kanyang Korean suitor na si Su-Hyuk sa kanyang nanay sa vlog na may title na “Korean Suitor Meets My Mom” nitong February 18, 2024.


Dahil ito ang unang pagkikita ng kanyang nanay at ng kanyang suitor, ayon kay Kristel, “First time kong magpakilala ng someone sa nanay ko.”


Sa kanyang vlog, mas mapapansin na sobrang saya ng aktres at nagkaroon pa nga sila ng exchange gift sa loob ng sasakyan dahil na rin delayed ng almost one and a half hours ang flight ng nanay niya.


Ang ibinigay ng kanyang suitor ay bulaklak na puwede raw niyang i-display sa bahay, so it will last longer. Samantalang si Kristel naman ay isang bracelet ang ibinigay sa kanyang suitor.


Patawa nga ni suitor, “A stone again” dahil sa kanyang naunang vlog, ‘yun ang naging asaran nilang dalawa ng aktres.


Matapos nu'n ay pumunta sila sa forest para magpalipas muna ng oras bago sunduin ang nanay nito habang kinanta ni Kristel ang “Incomplete” by Sisqo.


Halatang-halata na in love ang actress sa kanyang suitor at walang mapaglagyan ang kagalakan nito tuwing magkasama sila.


Ilan sa mga comments ng netizens ay... “Kristel can finally be soft and quirky girl with someone who can match her energy.”


“Habang tumatagal na pinapanood ko si guy na paguwapo, eh, nakangiti ba naman ako for the whole time. Salamat sa happy pill.”


Makikita pa sa vlog na nu’ng sinundo na nilang dalawa ang nanay ng aktres sa Incheon Airport, South Korea ay kabado ang oppa nang kamayan ang nanay ni Kristel. Pero, mahahalata mo rin namang aprubado sa ina ang manliligaw ng aktres.


Samantala, nitong nakaraang buwan lang ay pumirma si Kristel ng kontrata sa Korean entertainment agency na Fivestone sa Hongdae na kanya rin namang ibinahagi sa vlog.


Kamakailan lang ay nakuha si Kristel bilang Korean brand ambassador at nanalo rin siya bilang Global Creator of the Year at APAN Star Awards in Korea.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page