top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kristel, ibinida ang “oppa” sa bagong vlog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 10, 2024
  • 2 min read

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 10, 2024




Naging usap-usapan ang recent vlog ng actress-vlogger na si Kristel Fulgar na may title na “My Korean Suitor” with a question mark at the end.


Sa Instagram post niya, ishinare niya agad ang mga photos nilang dalawa na nakatagilid si boy na may simple caption lang na “Queen” emoji.


Ilang videos and Instagram stories niya ang napapansin ng mga netizens na tila masaya siya kasama ang kanyang Korean suitor, ngunit ngayon lamang niya ipinakita ang mukha nito.


Sa naturang vlog, hindi tahasang sinabi ng actress kung boyfriend niya ito pero ang buong fans ay nagulat sa kanyang revelation at agad na kinakiligan.


Marami ang nagbahagi ng kasiyahan nila para kay Kristel dahil sa vlog niya na ipinakita ang pamamasyal ng dalawa sa Ludensia at Nami Island sa South Korea.


Ito ang ilan sa mga comments ng fans...


“IG name please?"


“Aww, Kristel, masasanay din kami.” “Hala, may pa-soft launch. Omg!” “Congrats, Kristel!”


“So happy to see you happy,” at pati rin ang mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz ay nag-comment sa Instagram photos.


Ilan sa mga nag- comment ay sina Benedict Cua, Mariel Pamintuan, Joyce in Korea, Just Moy, at marami pang iba na nakisaya sa love life ng vlogger.


Hindi man pormal na ipinakilala kung sino ang bagong oppa na ito sa kanyang buhay, tila may hint na ang mga fans dahil before ang ending ng kanyang vlog, ipinasilip ang magiging happenings sa next vlog.


Samantala, kilala si Kristel Fulgar sa kanyang mga sikat na Korean vlogs at mga Korean diaries sa You Tube channel na kinagigiliwan ng mga netizens, even sa mga cover songs niya ng mga Korean soundtrack.


Kaya maraming natuwa at pinagkaguluhan ngayon kung sino ang oppa na ito.

Well, abangan sa kanyang vlog na “KrisTells Vlogs” sa Youtube.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page