top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Krisis, sunog o kalamidad man, kung may bayanihan, panalo pa rin ang Pinoy!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 16, 2020
  • 2 min read

ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | December 16, 2020



Ngayong Kapaskuhan, sana ay magkaisa at magdasal para tayo sa kapakanan ng ating mga kababayan. Lahat tayo ay lubos na naapektuhan dahil sa krisis na dulot ng COVID-19. Marami rin ang nawalan ng tirahan at kabuhayan dahil sa mga sunog at kalamidad. Pero huwag sana tayong mawalan ng pag-asa. Marahil, sinusubukan lang ng Diyos ang ating pananampalataya at katatagan.


Ipagpatuloy lang ang pakikiisa, pakikipagtulungan at pagmamalasakit sa kapwa. Ito ang gagabay para makabangon tayong muli.


Tulad nitong nakaraang mga araw, patuloy ang pag-iikot ng ating opisina upang magbigay-tulong. Mula Biyernes hanggang kahapon lamang, bukod pa sa tulong na naipamahagi na noong nakaraan, ito ang serbisyong ginampanan natin:


Sa Luzon kung saan marami ang naapektuhan ng bagyo, nagpamahagi tayo ng iba’t ibang tulong sa lagpas 2,100 benepisaryo mula sa Calauag, Tagkayawan at San Andres sa Quezon province. Kaparehas na tulong din ang ibinigay naman sa Pola, Socorro at Calapan City sa Oriental Mindoro, na natanggap ng mahigit 1,500 katao. Binisita rin natin ang Arayat at Candaba sa Pampanga kahapon.


Sa Visayas kung saan maraming sektor ang naghihirap at nawalan ng kabuhayan, nagpamahagi tayo ng tulong sa 400 market vendors sa Tacloban City, at lagpas 3,000 displaced workers, cultural workers at persons with disabilities sa Panglao, Cortes, Dauis at Tubigon sa probinsiya ng Bohol.


Sa Mindanao naman, sinisigurado nating hindi napababayaan ang mga kapatid natin doon kung kaya’t nagbigay tayo ng tulong sa halos 1,000 na residente sa Baroy, Lanao Del Norte na binubuo ng mga magsasaka, mangingisda at indigent vendors na naapektuhan ang pamumuhay dahil sa krisis na dulot ng COVID-19.


Sa Metro Manila, nahatiran naman ng dagdag-tulong ang 18 pamilya mula Muntinlupa City bago sila ilipat sa bagong pabahay na handog ng gobyerno sa Cavite. Patuloy din ang pagresponde at pagbigay ng karagdagang tulong sa mga nasunugan kung saan nabigyan ng tulong ang mga pamilya na biktima ng sunog sa Binondo, Manila.


Namigay din tayo ng tulong noong Biyernes sa higit dalawang libong katao na apektado ng bagyo sa Marikina City. Dagdag pa nito, ang ayuda sa halos 1,500 market vendors sa parehong siyudad. Nasaksihan natin sa araw na iyon ang pagbukas ng ika-95 Malasakit Center sa bansa na matatagpuan sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City.


Sa ating pag-iikot, namamahagi tayo ng food packs, vitamins, masks at face shields sa mga komunidad na ating nabibisita. Namahagi rin kami ng iilang tablets para sa mga estudyante at bisikleta naman sa mga kailangang maglakbay papuntang trabaho. Ang hiwalay na mga tulong ay bukod pa sa mga serbisyo mula sa mga programa ng mga ahensiya ng gobyerno, tulad ng financial assistance, livelihood packages, skills training at pabahay.


Manalig tayong ang kabutihang ginagawa natin ay magdudulot ng mas magandang kinabukasan para sa lahat.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page