top of page

Krisis sa Omicron surge sa ‘Pinas, tapos na — DOH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 17, 2022
  • 2 min read

ni Lolet Abania | February 17, 2022



Ipinahayag ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na nalampasan na ng bansa ang tinatawag na crisis stage pagdating sa surge na dulot ng Omicron variant ng COVID-19.


Sa kanyang interview ngayong Huwebes, sinabi ni Duque na nag-improve na ang mga naitatalang bilang sa buong bansa hinggil sa two-week growth rate, average daily attack rate (ADAR) at healthcare utilization.


“Nalagpasan na natin kasi low risk na nga tayo,” ani Duque nang tanungin siya kung malapit nang matapos o tapos na ba ang krisis tungkol dito.


Gayunman, binanggit ni Duque na walang nakakaalam kung kailan o kung may bagong variant of concern na posibleng madiskubre.


Ayon sa kalihim, mababa na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa mula Nobyembre hanggang Disyembre noong nakaraang taon, hanggang sa mag-emerge ang mas nakahahawang Omicron variant.


Dagdag pa ni Duque, nai-report din na ang two-week growth rate ng bansa ay nasa -81% habang ang ADAR naman ay nasa 7 kaso kada 100,000 populasyon, kung saan aniya ay kinukonsiderang “low-risk.”


“Tapos ang ating health systems capacity nasa low risk, mga a little over 30% lang ang kama na nagagamit, so 3 out of 10. Mababa siya,” ani opisyal.


Sinabi rin ni Duque na hindi pa nakikita sa kabuuan, na tapos na ang COVID-19 pandemic sa bansa.


“We’re over with the Omicron, but not the COVID-19,” saad ni Duque.


“We’re not out of the COVID crisis. The COVID crisis is still there,” wika niya. “But we never said that we’re over with the crisis. Matagal pang mag-aantay tayo.”


Iginiit naman ni Duque na hindi siya pabor na alisin ang mandatory face mask policy anumang oras ngayon.


“Hindi ako naniniwala na malapit na ang panahon [na tanggalin ang face mask policy] kasi lalo na meron tayong campaign rallies. Lalo pa natin dapat pag-igtingin ang pagsunod sa minimum health standards,” paliwanag pa ni Duque.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page