top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kris, todo-dusa, BF, todo-pasarap sa golf… NETIZEN KAY VG MARC: USER KA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 20, 2023
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 20, 2023



Dinagsa ng iba’t ibang reaksiyon ang simpleng comment ng ex-boyfriend ni Kris Aquino na si Batangas Vice-Governor Marc Leviste sa Instagram post ng ina nina Joshua at Bimby recently.


Ang naturang IG post ni Kris ay tungkol sa rason kung bakit nakipaghiwalay siya kay Marc. Sa kabila ng emote ni Kris against Marc, ipinakita pa rin ng VG ng Batangas ang pagmamahal sa kanyang ex-girlfriend.


Comment ni Marc sa naturang post ni Kris, “Love, love, love you-all.”


May mga netizens na sinabihan si Marc na patuloy na mahalin si Kris at unawain na lamang ang kalagayan ng dating TV host.


Say ng netizen, “@markleviste Sir, love will always find a way.”


At sinagot naman ito ni Marc ng, “Yesss! Yesss!”


Pero may mga “harsh” din na komento para kay VG Marc at kampi sa mga sinabi ni Kris.


“Kris very well said, alam ni Marc na ‘di siya maka-travel, pero para namang nang-iinggit ito dahil todo-travel, with wide smile at puro golf pa ang ginagawa. Nagtatrabaho pa ba siya o panay pasarap lang? Sorry to say, pero ‘di totoo ang feelings niya sa ‘yo, Kris. Ginagamit ka lang niya.


No worries, you have your two boys, ‘di mo kailangan ang ibang lalaki sa buhay. Laban lang.”


“Baka ang will lang ni Kris ang gusto at ginamit lang niya ito para magpabango sa susunod na halalan? May tawag doon, ‘Mr. User.’”


Sa kabila nito, tanging mga laughing at peace emojis lang ang reply ni Marc sa mga akusasyon sa kanya ng mga bashers.


Ang reply ni Marc sa mga negative comments ng mga bashers niya, “Good vibes only.”


At the same time, may mga nainis din sa ibinigay na rason ni Kris kung bakit siya nakipag-break kay Marc.


“Nakita lang na masaya ang BF, nakipaghiwalay na? Hindi ba dapat, happy ka for him kasi nga happy siya? Kahit na dapat ay malungkot siya dahil sa kalagayan mo? Please, don’t hate my comment, opinion ko lang ito.”


Ganyan sila ka-toxic sa socmed.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page