top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

KRIS, TANGGAP NA WALANG LALAKING MAGSESERYOSO SA KANYA DAHIL SA SAKIT

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 26, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 26, 2023




Si Kris Aquino nga ang humiling kay Batangas Vice-Governor Marc Leviste na mag-pause muna sila sa kanilang relasyon dahil mahirap daw ang LDR (long-distance relationship).


At mukhang hindi sanay sa ganoong setup ng relasyon si Kris.


Habang nasa ospital siya at nagpapagamot ng kanyang mga autoimmune diseases, nakikita naman niya sa social media na masaya at naglilibang sa paglalaro ng golf ang ex-boyfriend na si VG Marc.


‘Yun ang isang bagay na hindi matanggap ni Kris dahil feeling niya ay wala namang lalaki ang tunay na magmamahal sa kanya ngayong may sakit na siya. Nag-self-pity si Kris, kaya minabuti nitong wakasan na kung anuman ang relasyon na meron sila ni VG Marc.


Pero, kahit na sinunod at inirespeto ni VG Marc ang desisyon ni Kris ay suut-suot pa rin niya ang eternity ring na ibinigay sa kanya ng ex-girlfriend. Obyus na obyus din ang kilig nito kapag may nagtatanong sa kanya tungkol kay Kris.


Hindi basta-basta susuko si VG Marc. Anytime na kailangan ni Kris ng balikat na masasandalan at kaibigang makakaramay ay palagi siyang may oras para sa ex-GF.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page