KRIS, TANGGAP MAGING DYOWA SI WILLIE DAHIL MADATUNG KAHIT BABAERO

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 5, 2021

Nakakatuwa 'yung mga sagot ni Kris Aquino sa kanyang Jojowain o Totropahin challenge sa kanyang Facebook at Instagram account.
Ang daming aktor at may tatlo pang pulitiko na itinanong sa kanya kung type niyang tropahin o jowain at kasama nga sa mga pangalang nabanggit sina Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Alden Richards, John Lloyd Cruz, Coco Martin, Empoy Marquez, Willie Revillame, Gabby Concepcion, Sen. Antonio Trillanes, Mayor Vico Sotto, Sen. Bong Go at maging ang sikat na TV host-anchor na si Raffy Tulfo ay napasama rin sa listahan.
Pero ang pinakatumatak sa amin ay ang sagot ni Kris tungkol kay Willie. Matagal nang may mga nanunukso sa kanila at pabor na silang dalawa na lang ang magkatuluyan.
Nagpakatotoo naman si Kris sa pagsasabing jojowain niya si Willie dahil bukod sa pareho silang may pera at hindi siya mag-aalala na yaman lang niya ang habol sa kanya, tanggap din ni Willie ang kanyang dalawang anak na sina Bimby at Joshua.
Aware rin daw si Kris na babaero si Willie pero at least daw ay hindi ito nagpapanggap. Ang problema lang daw ay hindi mahilig matulog ang Wowowin host na siyang gustung-gusto namang gawin ni Kris.
Isa pa raw na nagustuhan niya kay Willie ay ang pagiging malinis at maayos nito sa bahay na siya ring ugali ni Kris Aquino.
Well, sa nakikita namin sa dalawa, parang mas okay nang maging magkaibigan na lang sila kesa magkaroon ng relasyon.





Comments