top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

KRIS, OBYUS NA NAGPARETOKE NG MUKHA, 'DI NA MAKILALA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 19, 2022




Halos hindi namin nakilala si Kris Bernal nang mapanood namin ang teaser ng bago niyang serye sa GMA-7, ang Artikulo 247.


Ang layo ng naging transformation ng kanyang mukha. Halatang may nabago sa kanyang hitsura.


Naalala tuloy namin sina Pops Fernandez, Ruffa Gutierrez at Anne Curtis na nagpa-pout ng kanilang upper lip na mala-Angelina Jolie ang peg.


Pero at least, bumagay at keri naman nina Pops, Ruffa at Anne ang kanilang Angelina Jolie lips.


Matatangkad kasi sila kaya dagdag-beauty point ito sa kanila.


No offense meant kay Kris Bernal, pero maliit kasi ang kanyang mukha at body built.


Medyo skinny pa siya. Siguro nga, kaya niya nagawa ang magpaayos ng hitsura ay upang mabago naman ang kanyang image sa kanyang role sa Artikulo 247 lalo na't may pagka-kontrabida ang kanyang role. Pinatapang ang kanyang mukha upang maging realistic ang kanyang character.


Magaling na artista si Kris Bernal. Ilang beses na siyang nagbida sa mga serye niya sa GMA Network. At dahil passion niya ang pag-arte, tinanggap niya ang maging kontrabida sa afternoon soap na Artikulo 247 na malapit nang umere sa GMA-7.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page