top of page
Search
  • BULGAR

KRIS, NAGPAPATAYO NA NG 3-STOREY MANSION, 2 ANG WALK-IN CLOSET AT MAY POOL

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 1, 2024



File photo
File photo: Kris Bernal


Bongga naman si Kris Bernal dahil nagpapatayo na sila ng kanyang mister ng three-storey mansion sa Alabang.


Hands-on sa pagsu-supervise ang hubby niyang si Perry Choi at excited naman si Kris na makita na ang kabuuan ng kanilang dream house. 


Modern Mediterranean ang style ng kanilang mansion, na puno ng salamin ang paligid at may swimming pool din silang ipagagawa sa harapan ng bahay. 


Malalaki ang mga kuwarto at dalawa ang walk-in closets ni Kris.


Dahil busy siya sa kanilang dream house, hindi na naiisip pa ni Kris na bumalik sa kanyang acting career. Besides, may anak pa siyang dapat na alagaan at hanggang ngayon ay breastfeeding mom pa siya. 


Anyway, okay naman sa kanyang mister na si Perry Choi kung balikan niya ang pag-arte. Ngunit, si Kris Bernal na mismo ang nagsabing nag-e-enjoy pa siya sa kanyang pagiging mom, dahil iba ang saya na dulot nito.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page